Chapter 22: Poviuor Dukedom

1.7K 98 2
                                    

NANG MAKAPASOK na kami sa loob ng carriage ni Duke Poviuor ay mabilis ko namang inalis ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

NANG MAKAPASOK na kami sa loob ng carriage ni Duke Poviuor ay mabilis ko namang inalis ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay.

I'm thankful that he came just in time that prevent any damage, physically and mentally from happening. I'm thankful that he took me out of that scene that I'm able to breath, but his grasp starts to hurt and so I need him to let go of my hand.

"Thank you, Your Grace," pagpapasalamat ko sa kaniya matapos ang ilang minutong katahimikan sa aming pagitan. Binigyan niya ako ng isang seryosong mukha at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Medyo hindi ako naging komportable sa kaniyang pagtingin sa akin kung kaya't tumikhim ako.

Nakuha naman nito ang nais kong iparating maging aking digustong ipinapakita ko gamit ang aking pagglaw-galaw kung kaya't tumigil siya't tumingin na lamang sa aking mukha.

"Are you okay?" tanong niya.

"I am. It seems that the scene is not something new," sagot ko sa kaniya. Tumingin ako sa labas ng kalesa sa bintana at nakita ko ang maingay na paligid habang dumadaan kami sa kilalang Lapis Street ng Kapital ng Emperyong Rowan.

Ang Lapis Street ay isang bantong na kalye kung saan puno ito ng mga establisimento at mga tindahan. Sa lugar na ito hindi alintana ang iyong estado, sapagkat ang isang commoner at noble na mga negosyante ay nagkaka-isa.

Ang pagsasama ng dalawang estado ay napaka-emposible lalo na sa panahong ito. Sapagkat para mo na ring ipinagsama ang langit at lupa na kailanman ay hindi manyayari. Ngunit nang umupo sa kaniyang trono ang ika-3 Emperador ng Emperyong Rowan, naging posible ang bagay na ito.

Ang ika tatlong Emperador ay anak sa dating hari na kuhang-kuha ang halos panlabas na anyo nito at naibansag pang kakambal daw ng Emperador, ngunit dahil sa nagmula sa mababang uri o commoner ang ina at dating tagapagsilbi sa palasyo, kinamumuhian ito ng halos lahat.

Dahil nga mayroon itong dugong basura, kinamumuhian siya ng buong aristrokata at hindi inaasahang siya ang kanilang magiging susunod na Emperador.

Ang kaniyang unang ginawa ng mahalal na siya sa kaniyang pinakamataas na posisyon ay ang pagbigay hatol sa mga taong umalipusta sa kaniya simula noong bata siya. Sinunod niya naman ang pagtatag ng Lapis Street na kung saan ipinagbabawal ang away at hamakin ang dalawang magkaibang estado.

Ginawa niya itong batas. Na ang kung sino mang sumira sa kaniyang ginawang paraiso na kung saan maaaring maghalubilo ang nga noble at commoner na hindi iniisip ang kani-kanilang estado ay hahatulan niya ng kamatayan.

Alam ng ika'tlong Emperador na hindi niya nagagawang tuluyang baguhin ang sistemang kanila ng nalakihan, kung kaya't ito ang kaniyang ginawa. Ang katahimikan at ang mapayapang Lapis Street ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

"Do you want to roam around?" Napatingin ako kay Duke Poviuor ng bigla itong magsalita.

"Pardon?" lintaya ko. Hindi ko masyadong narinig ang kaniyang sinabi sapagkat tutok na tutok ako sa labas at nahihiwagaan sapagkat iba-iba ang mga kasuotan ng mga tao sa paligid at base lamang sa suot nito ay malalaman mo na talaga ang estado at buhay ng nilalang ngunit normal lamang na nakikipaghalubilo ang lahat sa isa't isa, hindi pinapansin ang kasuotan ng bawat isa.

Kung sana ganito na lamang ang buong mundo. Bakit ba nangyayari lamang ito sa isang hindi gaano ka laking kalye? Hindi ba't mas nakakabuti kung makita ng lahat ang mga ngiti at tawanan ng mga batang naglalaro hindi alintana ang kanilang estado?

"No, I'm fine. How mazing would it be if the world and the people are, like this?" lintaya ko. Ibinalik ko ang aking paningin sa labas. Nais kong lumabas sa karwaheng ito at tumingin sa paligid, makihalu-bilo sa mga tao, kumain ng masasarap na street foods at makipagkilala.

Ngunit ipagpaliban ko na muna ito sapagkat kasama ko ngayon ang Duke, ayaw ko namang maging walang modo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit pinabayaan ko nalamang, sapagkat alam ko namang walang mangyayaring masama sa akin kapag kasama ko ang Duke.

Nang lumampas kami sa Lapis Street at dumiretso, alam ko ng papunta kami sa bahay ni Duke Poviuor. Napatingin ako sa kaniya at binigyan siya ng isang nagtatakang tingin, nanghingi ng rason kung bakit kami papunta sa kaniyang bahay gayong, hindi naman ako doon nakatira?

Pero ang tao hindi man lang ako kinibo at tumingin sa ibang dereksyon. Aba, mayroon pang ganang magmaldita ang Duke na ito sa akin gayong wala naman akong ginawa sa kaniya.

"Maari ko bang itanong, kung bakit tayo papunta sa iyong tahanan, Duke Poviour?" tanong ko. Hindi ko kayang manahimik na lamang at kinakailangan ko ng sagot. Tumingin naman sa akin si Duke Poviour bago mahinang tumikhim.

"I ruined your time and even left the tea party early because of me. So allow me to apologize to you, by having tea with you at my own place," sagot niya sa aking katanungan. Medyo nagulat ako sa kaniyang sinagot at hindi agad naka-sagot. Sigurado ba siya? Ano ang nangyayari sa lalaking gayong inimbitahan niya akong mga tea kasama siya kung hindi niya naman gustong mag tea?

Ano ang kaniyang ulterior motive? Iniling ko ang aking ulo at winaglit sa isipan ang sinabi ni Duke Poviuor sa akin at tumango na lamang. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang balak ngunit ayaw ko pang mamatay ng maaga, ulit kung kaya't sasabay nalang ako sa daloy.

Hindi naman nagtagal ay tuluyan na naming narating ang tahanan ni Duke Poviuor. Tama sigurong tawagin namin itong mansiyon o palasyo sapagkat talaga namang napakalaki at napakaganda talaga nito. Kahit hindi ito maikukumpara sa kalakihan at kagandahan ng palasyo, pumapangakawa pa rin ito.

Nang tumigil ang aming sinasakyang karwahe at binuksan ng isang kawal ang pintuan ng karwahe at lumabas naman si Duke Poviour dito bago inilahad ang kaniyang kamay upang maging alalay ko sa paglabas ng karwahe.

Sa una ay nagdadalawang isip pa ako kung tanggapin ko ba ang kaniyang ipinapakitang kabutihan o hindi. Pero ayaw ko namang magmukhang walang modo o ipahiya ang aking sarili't si Duke Poviour sa harap ng kaniyang mga tagapagsilbi kung kaya't tinanggap ko nalang at inalalayan niya nga ako pababa ng karwahe.

"Thank you," pagpapasalamat ko.

"Welcome, to the Poviour Dukedome, Lady Despina. Please follow me to the garden," pag-welcome ni Duke Poviour sa akin ng makababa na ako ng karwahe at makita ng tuluyan ang kabuoag estura ng mansiyon.







tamadsiakuma. ♡

The Young Lady of SwertuanfelΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα