C&B #30 (RATED SPG!)

3.1K 88 165
                                    

WARNING: Mas uh.. icconsider ko 'to as level 3 (level 1 kasi 'yung C&B #23) kaya you can scroll as fast as you can 'pag you feel uncomfy na ha! 'wag na 'wag mong pilitin ang sarili mo na basahin dahil baka 'di ka makatulog! Again, the SPG PART IS MADE BY THE IMAGINATIVE MIND OF THE AUTHOR.

SAN JUAN MANSION 

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

8:00PM na. Sandali lang kami nag-paalam kina itay, susunod naman daw kasi sila eh, sa araw ng kasal. Dapat bukas pa kami uuwi, kaso sumama ang pakiramdam ni Daniel kaya kailangan siyang makabalik agad, hindi kami p'wede magtagal dun at dito nalang niya pinili magpahinga, isang byahe nalang.

Kanina pa kami nakauwi, sa bahay nina Danieling kami tumuloy at umuwi narin dito sa San Juan bago gumabi. Nasa kwarto lang ako at nakaupo malapit sa bintana, nararamdaman ko dito ang pagpasok ng malamig na hangin. Nagpaiwan nga ako na mag-isa dito sa bahay kay Ferdinand dahil tinawagan siya ng Miguel? 'yun ang tawag niya eh, kani-kanina lang siya umalis at ayaw pa nga pumayag na maiwan ako at pilit akong isinasama sakanya.

Patingin-tingin na nga lang ako sa paligid ng kwarto, pinipilit ko na 'wag matakot at alalahanin ang naging karanasan ko pero hindi ko maiwasan maalala ang nakita ko noon. Dahan-dahan pa nga ang aking mga paghinga ngayon dahil sa takot.  Dumating kana, Ferdinand! Mararamdaman mo talaga ang kalakihan ng bahay na 'to dahil ikaw lang mag-isa, maraming kwarto at napaka-lawak, p'wede nga maghabulan.

May narinig akong mga yabag sa sala pero nagkibit-balikat nalang ako dahil alam ko na hindi naman 'yun si Ferdinand at wala naman kasi akong narinig na sasakyan na dumating o pumarada. PERO SINO 'YON?! Pumikit ako at nagdasal nang paulit-ulit. Eto na nga ba ang sinasabi ko.

"KUYA! Nand'yan kaba? pumasok na ako, bukas kasi 'yung pinto." Nakarinig ako ng ingay sa sala. KUYA? baka kapatid siya ni Ferdinand, lalabas ba 'ko? o magtatago?

Dahan-dahan akong tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto, nagmasid-masid bago lumabas. Naabutan ko ang isang babae na nakaupo sa sala, tulala ito na tumingin sa akin.

"Hi." Bungad nito sa akin, "siguro ikaw si Imelda, ako si Elizabeth, wala ba si kuya?" Tumayo siya at ngumiti sa akin.

"Ako nga," ngumiti ako pabalik. "Wala nga pala dito kuya mo, may pinuntahan."

Hindi ko alam kung sino ang mas matanda sa aming dalawa, parang parehas nga lang kami ng edad at ang bata niya tingnan.

"Ipinapadala kasi sa akin ng inay ang mga damit ni kuya na naiwan niya dun."

"Gano'n ba? ako na ang magsasabi sakanya na pumunta ka dito."

"Salamat! mauna na 'ko ha, inaantay na kasi ako sa sasakyan. Nice to meet you!" Kumaway ito sa akin at nagmamadali na lumabas ng bahay.

Sinilip ko pa ito sa bintana, bigla itong huminto at saka tumabi sa isang gilid, ngayon ko lang  napansin na sasakyan pala ni Ferdinand ang parating.

"Dinala ko na mga damit mo, ulyanin ka kasi masyado eh." Biro nito na may halo pang pagtataray.

"Salamat. Sige, makakaalis kana." Asar ni Ferdinand dito at sinesenyasan pa nang pabiro na umalis na. "Sino kasama mo?" Inakbayan niya ito.

"Gabi na nasa labas kapa, sana tinawagan mo nalang ako para ako na ang kumuha at 'di ba mabibigat 'yon? pa'no kung nakunan ka?" Dagdag niya at hinawakan sa ulo ang kapatid. Kaagad naman inilag ang ulo nito.

Nakunan? edi ang ibig sabihin buntis siya? tapos parang ang bibigat pa ng mga dinala niya!

"Hindi naman ako ang nagbuhat niyan eh, si Michael, bumalik lang agad sa sasakyan dahil ayaw magpaabot sa'yo. Siya rin ang kasama ko dito." Yumakap ito sa braso ni Ferdinand at nakiusap. "'Wag kana kasing magsungit sakanya, please?"

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum