C&B #6

1.4K 62 37
                                    

A/N: C&B #1-#5 completed, you can re-read it if you want. May edited parts kasi pero kaunti lang naman. 

You can always listen to Isang Tanong Isang Sagot by Donna Cruz!

MULING PAGTATAGPO

IMELDA ROMUALDEZ

Hindi pa ako nkakatulog simula kanina at inaalala ang pag-uusap at maging ang mga nangyari sa amin ni Ferdinand sa loob ng isang araw. Alas-kwatro na ng umaga at wala parin akong tulog, nakakayanan ko naman na ipikit ang mga mata ko ngunit hanggang doon nalang 'yon. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, 'di na makatulog sa gabi dahil sa dami ng iniisip, maya't-maya ang pagbangon ko at dumudungaw sa bintana. Maya-maya pa ay napagpasiyahan kong bumaba sa kusina para kumuha ng tubig.

"Oh, Imelda? Maaga ka yata ngayon?"

Isang oras na maaga, alas singko kasi ako madalas gumigising dahil may trabaho at kung normal na araw lang, alas-sais, puro isang oras ang pagitan. Pero si Paz, laging maaga ang gising niya, 'di ko pa nga siya naunahan magising.

"Hindi na ako makatulog sa kwarto eh,"

Tinapik ni Paz nang mahina ang balikat ko, "'Di kaya mayroong nag-iisip sa'yo? ganon daw 'pag 'di makatulog eh."

"Si Ferdinand?" Takang tanong ko pa at huli na nang mapagtanto kung ano nga ba ang nasabi ko, "Ay sus, si Ferdinand agad ang sinisi mo. Ikaw ha, puros Ferdinand kana, baka pati sa panaginip mo naroon siya." Pang-aasar nito sa akin at tumawa nang tumawa.

Pero paano kung hindi rin siya makatulog dahil kanina ko pa siya iniisip? Ay ano ba naman 'yan, bakit ba ikaw nalang lagi,  Ferdinand? marinig ko lang ang pangalan mo kakaba-kaba na ako at nagsisimulang mahulog sa'yo nang paulit-ulit.

"Hay nako, Paz. Mabuti pa maghanda nalang tayo dahil ngayon ang alis natin 'di ba?"

"Ay oo nga pala 'no? sige na, kumilos kana para hindi maubusan ng oras."

"Si Ferdinand pala ang makakasama mo, palit muna kayo ni Jose. Saamin siya, kay Ferdinand ka." Dagdag pa nito na may malawak ngiti.

Ano? Bakit niyo naman ako pinamimigay ni Daniel? Oo, gusto ko naman makasama si Ferdinand, pero talagang nakakapanghina siya lalo na kapag ngumingiti.

"Osya, sige na, ayusin mo na ang mga gamit mo para hindi kana mataranta mamaya," dagdag niya. 

Kung tatanggi pa ako ay lalo lang akong aasarin ni Paz kaya sumunod na agad ako, nakalimutan ko na nga ang isang basong tubig na dapat at kukunin ko. Ano ba naman 'to, iba talaga parusa ni Paz, talagang malala.

Bumalik na ako sa aking kwarto at doon kinuha ang hindi masyadong kalakihan kong bag na paglalagyan ng mga gamit ko na dadalhin. Ito ang unang pagkakataon para sa akin na pupunta ng Baguio na 'di namin kasama si Ninoy. Kahit pa nand'yan lang si Ferdinand ay naaalala ko parin siya, siguro dahil mas una ko siyang nakilala? 'Di naman na ako galit sakanya gaya ng dati, dahil lumipas na ang ilang mga buwan at araw. Hindi nga kaya siya ang dahilan kung bakit may pumipigil sa akin na 'wag ihayag ang damdamin ko para sakanyang kaibigan? Ngunit bakit naman ganon? hindi ko naman na siya gusto, 'di na nga ba talaga?

"Teka," kinuha at binuksan ko ang box na naglalaman ng mga litrato o mga alaala sa nakaraan. May isang litrato na nakatawag ng aking pansin, si Ninoy at ako, parehas na may matatamis na ngiti sa mga labi at magkatabi pa, kuha ito sa Baguio nung nakaraang taon lang. "Gwapo talaga," tanging nasabi ko sa  aking isipan at pinag-masdan maigi ang litrato.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedOn viuen les histories. Descobreix ara