C&B #16

1.4K 64 54
                                    

KAIBIGAN

FERDINAND MARCOS

"Ferdinand!" Rinig kong pagtawag ni Jose sa akin. "Oh, pa'no ba 'yan? Tinatawag kana." Sambit ni Imelda at ngumiti sa akin.

"Ano ba 'yan. Sige na, mamaya nalang." Paalam ko at agad na nagtungo sa aming tinutuluyan.

"Bakit?" Tanong ko agad kay Jose nang pumanhik ako.

"Kalat ng kwarto mo. Nagkalat mga libro mo doon, ayusin mo kaya."

"Oo na."

Agad akong dumiretso sa aking kwarto at nagsimulang iligpit ang mga libro na nag- kalat sa sahig at sa study table. Napansin ko ang isang libro na noon ay halos araw- araw ko tinitingnan kaya naman binuklat ko ito kaagad.

Tahimik akong nakaupo sa duyan at nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno.

"Imelda. Imelda. Imelda." Paulit-ulit na sinasabi ko sa aking isip habang nakatuon ang atensyon sa binabasang libro.

Maya-maya ay may lumapit sa akin. "Ano 'yan?" Bungad na tanong nito.

"Imelda--- ibig kong sabihin, libro."

"Patingin." Pilit ni Ninoy sa akin at gusto makita ang binabasa ko. "Ayoko nga, top secret 'to eh." Sagot ko. Ako lang ang may alam kung ano laman nito kaya ako lang din ang nagbabasa 'no.

"Sige na," tinapik-tapik pa ako nito kaya napatingin ako sakanya.

"'Wag ka magulo ha." Paalala ko sakanya.

"Oo na, 'di ko sasabihin kahit kanino."

Umusog ako nang kaunti sa duyan para naman makaupo siya. Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa akin nang makita kung ano ang binabasa ko."Oh, bakit ka ganyan makatingin?" Inosenteng tanong ko rito.

Ngumisi ito sa akin at tinapik ang likod ko. "Dali na, ilipat mo na." Sabi niya at para bang madaling-madali. "Oo, sandali lang naman," saway ko dito.

Minsan ay nagtutulakan pa kami sa duyan sa tuwing magugulat sa nakikita. "Aray, malaglag naman ako." Reklamo nito.

"'Wag ka mag-alala, hawak kita." Tugon ko at patuloy na inilipat ang pahina.

Nagulantang ako nang bigla ako nitong tapikin nang malakas.

"Hala, hala. Itago mo dali! nand'yan na si Imelda!" Natataranta na sabi nito.

Maging ako ay nataranta dahil sakanya at 'di malaman ang gagawin sa libro, umabot pa na pinagpasa-pasahan namin ito at sa huli isinara ko ang libro bago maabutan ni Imelda. Parehas kaming naghahabol ng hininga na humarap sakanya.

"Oh? bakit parang nakakita kayo ng multo?" Bungad ni Imelda sa aming dalawa kaya napalunok kami parehas.

"Ano lang, ano kasi-" 'Di ko malaman kung ano ang gagawin na palusot. Hindi ako magaling sa ganito. Nako naman.

"Kasi nagulat kami sa pagdating mo eh." Dagdag ni Ninoy kaya nakahinga ako nang maluwag. Siniko ako nito kaya napatingin ako. "'Nakabukas 'yung libro, isara mo." Bulong nito. Kumunot ang noo ko sakanya, "Bakit ako? Ikaw na." Sagot ko. Isinara ko na 'yan ah! "Ikaw na sabi eh." Tugon nito.
"Hindi. Ikaw." Pagmamatigas ko pa.

Bigla itong napahawak sakanyang dibdib at napapikit. "Ah- ah-" Kumapit ito sa suot ko kaya napatingin ako sakanya. "Ano?" Pabulong na tanong ko. Biglang humigpit ang hawak nito, alam ko na, sana nga eh makalusot 'to.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now