C&B #28 (#2)

1.6K 88 145
                                    

PAANO MAGSELOS SI CONGRESSMAN MARCOS? #2

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

"Pasensya na ha, may masakit paba sa'yo? kakausapin ko si Ferdinand mamaya."

Magkasama kami ni Emmanuel ngayon sa isang kubo, hinihilot siya. Ewan ko ba kay Ferdinand, kung galit siya edi sana 'di na niya pinatulan, 'di 'yung nananakit siya! Nasaktan tuloy si Manuel sa ginawa niya.

"Ayos lang naman na ako," hinawakan nito ang aking kamay na nasa balikat niya.

"Pero ano ba ang relasyon niyo ng pulitiko na 'yon at galit na galit siya sa akin nung nakita na magkasama tayo?"

Sa ngayon ay 'di ko maaaring sabihin na asawa ko siya dahil kaming lima palang ang nakakaalam nun 'no!

"'Di mo naman na kailangan malaman, mahalaga siya sa akin." Sagot ko.

"Eh ako? ano ako sa'yo?"

"Kaibigan."

Simula nung mga bata pa kami ay talagang magkaibigan na, nagkahiwalay lang dahil pumunta ako sa Maynila.

"Hindi mo ba talaga ako magugustuhan na higit pa sa kaibigan?" Nilingon ako nito.

Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya, hanggang dun nalang 'yon.

"Pasensya na, pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo at 'di ko na 'yon kaya pang baguhin."

Halata sa mukha niya ang panghihinayang at lungkot.

"Aray- ansakit talaga, buti nalang at hindi ko 'yun ginantihan." Daing niya.

Ferdinand! nakakahiya talaga ginawa mo kay Emmanuel, kakausapin ko na talaga mamaya 'yon.

Matapos ko siya hilutin ay napagpasiyahan namin na lisanin ang kubo at maglakad na pabalik sa aming tambayan noon.

Inakbayan ako nito kaya umiwas ako nang marahan. "Oh, dati naman pumapayag ka." Sambit nito at tumingin sa akin.

"'Di na kasi ako komportable ngayon, baka isipin nila magkasintahan tayo." Sagot ko at lumayo nang kaunti sakanya.

"Simula nang dumating ka dito kasama 'yung pulitiko na 'yon, 'di kana malapit sa'kin gaya ng dati. May gusto kaba sa kanya?" Reklamo nito.

Hindi naman sa ganon, hindi nalang ako mapalagay talaga kapag ibang lalaki ang kasama ko simula nung ikasal na kami ni Ferdinand.

"Oh, eh, ano naman ang masama kung gusto ko nga siya? tsaka 'di naman siya masamang tao 'no, kahit na pulitiko siya."

"'Di mo ba alam na mas matanda siya sa'yo at marami 'yang babae kaya nga hanggang ngayon walang asawa?  'Di mo alam, pakitang tao lang kasi sa'yo, kunwari santo."

Napalunok ako nang sabihin niya 'yon, oo naiinis ako pero ayoko na mahalata na apektado na apektado ako nang dahil sa sinabi niya.

Kilala ko si Ferdinand, wala siyang ibang babae.

"Hindi mo pa naman siya nakikilala nang lubos kaya saan mo naman nakuha 'yang mga 'yan?"

Napailing-iling ito at tumawa. "Lahat naman ng pulitiko may kalokohan," nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Mga babae at pera lang ang gusto nila, pagkatapos wala na silang pakialam sa mga tao o sa kung ano ang ipinangako. Hahaha. Congressman Marcos, siya ang pinakabata pero pinakasikat na pulitiko ngayon, dahil 'yon sa kayabangan niya, walang preno ang bibig 'pag nagsasalita. Nakakainis kaya ang ugali niya, feeling niya sobrang galing at lahat ng babae nagkakandarapa sakanya." Dagdag nito.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now