C&B #26

1.3K 55 40
                                    

TACLOBAN

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

"Sigurado naba kayo na hindi na kayo dito magtatagal?" Tanong sa amin ng nanay ni Ferdinand.

"Mayroon pa ho kasi kaming pupuntahan eh, babalik naman kami inay." Hinalikan ni Ferdinand ang pisngi ng kanyang ina  bago tumungo sa sasakyan.

Mahal niya talaga ang nanay niya.

"Imelda!" Natigilan ako nang tawagin ako nito at sumenyas na lumapit.

"Po?" tanong ko at kaagad na lumapit.

Hinalikan nito ang magkabilang pisngi ko at niyakap sandali.

"Mag-iingat kayo." Ngumiti ako at tumango bago sumunod sa sasakyan.

"Ba't kayo nagtatawanan kanina?" Tanong ni Ferdinand sa akin bago paandarin ang sinasakyan.

"Top secret!"

Napailing-iling ito at tumawa. "'Yan ba ang ganti mo?"

"'Di ako marunong gumanti 'no!"

Napuno ng tawanan ang sasakyan habang pabalik sa Baguio.

Medyo nilaglag lang naman kita sa nanay mo kasi iniwan mo ako dun kanina, bahala ka d'yan maboang kakaisip.

"Natatandaan mo ang lugar na 'to?"

Huminto ito kung saan kami huminto noon habang inaantay sina Daniel.

Mabilis na bumalik ang mga alaala sa akin sa lugar na 'to, tulad ng kung paano ang aking mukha ay naging sobrang pula at kung pa'no ako naging kakaba-kaba. Dito ko inamin ang pag-ibig ko sakanya.

"Dito mo sinabi na mahal mo 'ko pero wala akong label sa'yo. 'Di ba?" Umakyat ang init sa aking mukha nang sabihin niya 'yon.

"Uhm, oo! pero may label ka naman na ngayon 'no."

"Gusto ko na malaman ng mga puno na 'to na may label na ako sa'yo." Ngumuso ito sa mga puno na nasa gilid namin.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na 'di matawa dahil sa sinabi niya, ang laki talaga ng kalokohan nito kahit kailan.

"Oo, mahal na mahal nga kita at may label kana, Congressman Marcos." Nakangiting sabi ko sakanya.

Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin at ngumisi. "Oh, eh, hindi ka naman ganyan noon ah!" Patuloy parin ang kaba na aking nararamdaman sa tuwing gagawin niya ito nang biglaan, para bang sasabog na ang puso ko.

"Ganito kaya 'yun, kaya ka nga napaamin eh, 'di ba?" Asar nito, umiwas ako ng tingin at dumungaw sa labas. "Ewan ko sa'yo!"

"Imelda," tawag niya sa akin, inakala ko na nakalayo na ito kaya naman humarap ako.

"Oh an-" Natigilan ako nang dumampi ang labi ko sa labi niya nang mabilis. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa pagkabigla.

"Added." Nakatawang sabi nito at bumalik sa pwesto niya.

"Hoy anong added ka riyan?!"

"Sa susunod na dumaan tayo dito, dapat kasama na 'yun ah."

Ahhh! Ang utak talaga nito!

"Napakaloko mo talaga!"

Tawang-tawa pa ito sa akin hanggang sa makabalik kami sa tinutuluyan namin sa Baguio. Humanda ka talaga!

"Oh, sina Daniel 'yun ah."

Kaagad itong bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Teka, saan naman pupunta sina Daniel? Bakit ba ngayon 'to mga nagsisialisan kailan paalis na kami sa Martes?

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now