C&B #25

1.3K 50 46
                                    

BIYENAN

FERDINAND MARCOS

"Napakadami mo naman litrato dito na kasama ang nanay mo, ikaw siguro ang panganay 'no?" Nilingon ako ni Imelda matapos tingnan ang mga litrato.

Ngumiti ako sakanya at tumango.

"'Di ba kayo masyadong magkalapit o mag- kasundo ng tatay mo?" Dagdag niya.

"'Eh, mas malapit lang siguro siya sa tatlo kaysa sa akin, magkasundo naman kami."

"Natatakot ako sakanya, 'di ko naman alam kung bakit. Hindi naman siya ganoon ka- strikto, 'di ba?" Nasanay yata ako sa tatay ko na laging seryoso.

Napakastrikto niya at naiintindihan ko naman dahil lalaki siya, sabi niya noon, ang luha ay kahinaan para sa mga lalaki na kagaya ko, tuloy kahit manggilid ang luha ko noong nabubuhay pa siya ay 'di ko magawa.

"Sobrang..strikto, pero kasi wala na siya ngayon eh, kaya 'di mo na kailangan na matakot sakanya."

Marahan niyang hinawakan ang aking mukha.

"Masayang-masaya ang mga magulang mo dahil mayroon silang anak na katulad mo."

Mas masaya ako, dahil ikaw ang babae na pinakasalan ko. Bawat paglipas ng araw ay 'di nagbabago ang ganda niya, lalo siyang gumaganda at naaakit ang aking puso na siya'y mahalin lalo. 'Di lamang ang mukha ang maganda, 'di lamang ang panlabas na katangian ngunit pati narin ang kanyang panloob na katangian.

"Ferdinand!" Nagbalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako.

"Bakit? para ka naman nawawala eh." Biro ko sakanya at tumawa.

Niyakap ako nito at inilapit ang tenga sa aking dibdib, malapit sa puso. "Imelda-" natigilan ako bigla nang ito'y magsalita.

"Shhh, pinakikinggan ko ang tibok ng puso mo." Minamasdan ko lang ito habang siya ay nakapikit at pinakikinggan ang tibok ng puso ko.

"...The best thing is listening to someone's heartbeat and knowing that it is beating like that because of YOU."  aniya at patuloy na pinakinggan ang pagtibok ng aking puso. 

Age doesn't matter when you're deeply inlove, I feel young around her.

Iniangat nito ang kaniyang ulo at tinitigan ako sa mga mata, her eyes looks innocent at sa tuwing kukurap ito ay para bang may kung anong kilig sa katawan ko.

"'Di ko alam kung ilang beses 'to kailangan na ginagawa ng mag-asawa, pero kasi sa tuwing makikita kita, hindi ko mapigilan ang sarili ko."

Bumaba ang mga tingin nito sa aking labi at hinalikan ako na tinugunan ko naman. Nararamdaman ko ang bawat paghaplos nito sa aking mukha nang marahan.

Natigilan ito at sumandal sa aking dibdib habang nakayakap sa akin.

"Araw-araw ay ika'y mahal at minamahal, araw-araw ay kinikilig at nahuhulog sa'yo."

Magka-yakap na nagsasayaw at nakikinig sa awitin ng aming mga isip.

"Ang nararamdaman ko para sa'yo ay 'di magbabago hanggang dulo, ikaw lang ang tanging iibigin ko." Tugon ko at marahan siyang inikot.

———————

Matapos ang panandalian ngunit hindi malilimutan na sayaw ay nagpasiya na kami na lumisan. Agad kaming dumiretso sa bahay kung saan naman nakatira ang aking pamilya, naisip namin na dumaan saglit bago bumalik.

"Tahimik ka yata," biro ko sakanya dahil napansin ko na nakatingin lang ito sa labas.

"Kinakabahan kasi ako eh, ito ang unang pagkakataon na makakausap at makikita ko ang nanay mo."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now