C&B #5

1.4K 66 26
                                    

ANG PABORITONG ANAK

FERDINAND MARCOS

Kung may kakayahan lamang akong maibalik ang oras kanina, kung saan kaming dalawa lang ni Imelda ang magkasama. Ibabalik ko. 'Yon ang unang beses na nakita ko siyang umiyak nang malala at 'yon din ang unang beses na naging mas malapit kami sa isa't-isa.

"Halika nga sandali dito, Ferdinand." Pagtawag ng aking ina sa akin.

Agad akong lumapit, "Bakit ho, inay?" Mahinahon na tanong ko.

Itinigil nito ang pagbuburda at nilingon ako, "Parang iba yata mga kinikilos mo simula kaninang umaga pa, ano ba ang nangyari sa'yo?"

I have nothing to hide when it comes to my mother, lahat napapansin niya kahit mga simpleng pagbabago sa kilos ko. Well, wala naman akong problema doon because I know that she is concern, lahat naman ng ina ay iisa ang nararamdaman pagdating sa mga anak nila. They always want the best for them but sometimes, they don't know that best is too much.

"Wala naman ho, inay." Sagot ko.

Napailing-iling ito sa akin at itinuloy ang pagbuburda, "Kanina lang ay sunod-sunod ang tawag mula sa telepono at puro mga babae, aba, para bang ginawa mong lost and found itong bahay natin, ikaw lagi ang hinahanap," bigla akong natawa nang palihim dahil sa sinabi ng inay. "Ang inay naman, mga kaibigan ko lang ho 'yon"

"Aba eh nung isang araw lang ang tawag mo pa sa kausap mo ay honey, may magkaibigan bang honey kung magtawagan? Baka hindi magkaibigan, magka-ibigan kaya?" Kunot noo na tumingin sa akin ang inay.

Caught. Wala naman kaming relasyon ng babae na tinatawag kong honey, parang ano lang naman 'yon, si inay talagang napakaraming nalalaman. "Hindi naman ho totohanan 'yon, inay. Biruan lang." depensa ko pa. Totoo naman kasi.

"Hay nako ang batang 'to talaga. 'Wag ka maglalaro ng apoy at baka mapaso ka at magsisi ka sa huli."

"Naiintindihan at nalalaman ko naman po ang ibig niyong sabihin. Good boy kaya ako kaya hinding-hindi ako mapapaso, inay."

Pinisil nito ang aking magkabilang pisngi, palagi niya itong ginagawa simula pa nung bata ako, kung sina Pacifico, Elizabeth, at Fortuna ang mga paboritong anak ng itay, ako naman ang paboritong anak ni inay. Mas malapit ako sakanya, malapit din naman ako sa aking ama ngunit 'di gaya kay inay. Malalaman mo naman sa mga binibili ng inay at itay para sa amin noon kung sino ang mga paborito nila. Hindi maganda ang pagkakaroon ng favoritism lalo na sa mga anak pero hindi naman na 'yon maiiwasan. 

"Good boy ka d'yan, eh kung asarin mo nga mga kapatid mo noong bata pa kayo ay wagas. Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo kay Pacifico?"

Hahahahaha! Nakakatuwa na hanggang ngayon ay naaalala ng inay ang mga 'yon. Hindi ko talaga malilimutan kung paano siya umiyak sa taas ng puno, hay Pacifico, ikaw naman may kasalanan eh, sumunod ka sa akin sa taas ng puno tapos iiyak ka nang hindi kana makababa.

"'Nay naman, hindi ko ho kasalanan na 'di sanay bumaba ng puno si Pacifico matapos niya umakyat doon, tinulungan ko naman ho bumaba ah." "Nako, pinalakas mo lang ang pag-iyak, kaya galit na galit sa'yo ang kapatid mo noon eh."

Hindi lang naman ako ang tumawa noon, pati sina Elizabeth at Fortuna tumawa eh, si itay nga rin bago niya ako pagsabihan.

Bigla kong naalala si Imelda kaya pumasok sa isip ko na ipakilala na siya kay inay. Oo, 'di pa ako nagsisimula manligaw sakanya, o nagsimula na ako? ewan ko ba, sa dami na ng nangyari sa amin, parang higit na nga kami sa magkasintahan.

"Oh bakit nangingiti ka d'yan? Ayan na nga ba ang sinasabi ko, bigla-bigla kang ngumingiti, ikaw ba nasa maayos pang pag-iisip?"

"Inay, alam mo? Natagpuan ko na ang babae na iibigin ko sa habang-buhay."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now