C&B #3

1.4K 72 16
                                    

HARUTAN SA BATALAN

FERDINAND MARCOS

"Maari bang paki-hawakan mo na muna ito sandali," iniabot ko ang aking puting barong kay Imelda upang hindi mabasa.
⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
Agad naman niya itong inabot mula sa akin, inayos ito at maingat na ipinatong sakanyang braso. Tanging puting t-shirt ang aking suot na pang-itaas.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Ikaw ba, sanay kaba maghugas ng mga pinggan?" Tanong nito sa akin habang nakatayo sa isang gilid.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Oo naman, ako kaya ang taga-hugas ng mga pinggan at kubyertos noon sa bahay namin, talaga namang malinis na malinis pa at tuwang-tuwa ang inay." Pagmamalaki ko kasi totoo naman 'yon 'no.

"Sige, tingnan natin kung paano maghugas ng pinggan ang isang congressman, kung paano ka mapagod" napatawa kaming dalawa sa kanyang sinabi, nabuhayan nanaman ako dahil sa tawa niya.

Nag-umpisa na akong hugasan isa-isa ang mga pinggan at kubyertos habang nasa gilid si Imelda at pinanonood ako kung tama ang mga ginagawa ko. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa batalan kaya naisipan kong biruin siya.

"Ikaw, sanay kaba maglaba?" ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
"Syempre naman, gusto mo labhan ko pa 'yang suot mo eh!" Natigilan ako at biglang napatingin sa direksyon niya, "Ah-- eh-- ano, ang ibig kong sabihin, kapag kwan, kapag tapos mo na gamitin." Dagdag nito kaya naman tumawa ako nang mahina. "Oh, bakit ka tumatawa?" Halata sakanyang tono na nahihiya ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀

Umandar nalang bigla ang pagiging mapag-biro ko at sinampolan siya. ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
"Ganon ba? Eh paano kung sabihin ko sa'yo na tapos ko na gamitin 'tong suot ko ngayon?"

Nagsalubong ang kilay nito at napuno ng pagtataka ang kanyang mukha kaya pinipigilan ko matawa dahil sa itsura niya, pero kahit na ganon, maganda parin naman siya sa paningin ko.

"Lalabhan mo naba? kase kung oo, huhubarin kona." Dagdag ko pa.⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀

"Hoy Ferdinand, 'wag mo akong binibiro d'yan ah. 'Wag mo na intindihin 'yung sinabi ko kanina at maghugas ka nang maghugas riyan para matapos kana!" Saway nito sa akin sabay malakas na tapik sa balikat ko.⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
Mabuti nalang talaga at likod-bahay na nila 'tong batalan at medyo tago, dahil kung hindi? Baka akalain nila Mr.Romualdez at may bahay niya na nag-aaway kami.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀ㅤㅤ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
"Oh, kaya mo naman pala akong tawagin na Ferdinand, puros 'Congressman Marcos' ang binabanggit mo sa telepono." Tugon ko rito.

Tinapunan ko ito tingin bago ibaling ang aking atensyon sa mga hinuhugasang kubyertos at pinggan. Hinatak nito ang upuan na kalapit ng isang batya at umupo.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Hindi naman kasi tayo ganon kalapit sa isa't-isa para tawagin ka sa pangalan mo lang." Paliwanag nito.

"Ayos naman ang 'Congressman Marcos' ah? bagay na bagay sa'yo." Dagdag niya.

"Pero mas bagay ka sa akin." Tugon ko sakanya.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
Mabuti na nga lang at kaliwang balikat ko ang masakit dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses naba ako nahahampas ni Imelda, minsan ay mahinang tapik ngunit madalas ay malakas dahil sa mga biro ko. ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
"Mayroon naba sa'yo nakapagsabi na napakaganda mo lalo?" Tanong ko.
⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
Hindi ko siya nililingon at patuloy sa paghuhugas ng mga pinggan. ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀

"Oo naman at napakaraming beses narin, 'yan naman ang palagi nilang sinasabi sa akin tuw-", naputol ang kanyang sasabihin nang magsalita ako. "'Pag ako ang naging asawa mo?" Dagdag ko.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now