C&B #14

1.2K 51 51
                                    

MARCOS VS MADRIGAL  (A/N: Madrigal is fictitious, he is not real so do not take their fight seriously!)

IMELDA ROMUALDEZ

Bumusina ito bago tuluyang umalis, bigla naman akong nakahinga nang maluwag. Dahil mabuti nalang at 'di na 'to lumabas para tanungin ako, dahil hindi ko rin alam ang sagot.

"Saan pupunta 'yon?" Nagulat ako nang biglang may magsalita sa aking likod.

Si Ninoy. "Bakit kaba nanggu-gulat riyan?" Pabalik ko na tanong.

"Hindi naman kita ginulat ah," depensa nito at nagtawanan kami pareho.

'Di naman siguro kataksilan ito at wala naman kaming ginagawang masama ah.

"Sa Maynila 'yon pupunta, may trabaho siya eh." Sagot ko sa tanong niya kanina.

"Ah, bakit 'di ka sumama?"

"'Wag na 'no, babalik naman siya."

Sinundan ko ito nang maglakad, nasanay kasi ako noon.

"Gusto mo ba si Ferdinand?" Biglang tanong nito at nauuna parin maglakad.

Bigla nalamang akong nakakaramdam ng sobra-sobrang kaba sa tuwing babanggitin ang pangalan niya.

"Hanggang ngayon, hindi mo parin ako sinasagot sa tanong ko noon." Dagdag niya.

Natigilan ako sa paglalakad at ganon din siya saka ako nilingon nito. "O-oo, gusto ko siya." Sagot ko.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad kaya sumunod nanaman ako.

"Gusto? as in gustong-gusto?"

"Ah, eh, oo.. gustong-gusto ko siya. 'Yun ang nararamdaman ko sakanya."

Bakit ba ganiyan ang mga tanong mo?

"Edi mahal mo siya?" Tanong niya kaya muli akong natigilan.

A/N: 'Wag mo sabihing 'di mo parin mahal si Papa Macoy niyan, Mama Meldy. Eh hinalikan mo nga, hala siya. Charot, ako pala may hawak ng linya niyo hahaha.

"Mahal ko siya. Nakakatuwa nga na siya pa ang minahal ko, kahit na nalalaman ko na ikaw ang matalik na kaibigan niya. Pero, hindi ko talaga kayang pigilan ang kakaibang pagtibok ng puso ko at pati na ang kaba na nararamdaman ko 'pag siya'y nasa paligid."

"Minahal at ginusto mo ba siya para sa akin?"

Bigla nalamang akong natulala at mabilis na uminit ang aking mukha. Minahal at ginusto ko siya dahil sa nararamdaman ko para sakanya, 'yun ang totoo.

"Ginagamit mo ba si Ferdinand para lang saktan at kalimutan ako?"

Ahhhh! Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Walang kinalaman si Ferdinand sa atin, o sa kung ano man ang nangyari sa atin. Totoong mahal ko siya at 'yon ay hindi dahil gusto kitang saktan at kalimutan. At isa pa, mahal ko siya dahil mahal niya rin ako. "

FERDINAND MARCOS

Mabilis akong nakabalik sa Maynila at 'di inabutan ng dilim sa daan."Bakit ngayon ka lang? Ikaw naman kasi, alam mong pinag-iinitan ka nila, eh nagrerelax kapa!" Sermon ng isa sa mga kasama ko at iniabot ang mga papel na may sulat sa akin habang mabilis na naglalakad papunta sa bulwagan.

A/N: Mabilis ka rin maaagawan, Papa Macoy! Dalian mo!

Bigla na lamang ako ngumingiti na parang nawawala sa katinuan sa tuwing maaalala ko ang ginawa ni Imelda. Nabigla ako at para bang 'di makapaniwala. She kissed me.  "Oh, ano na? 'Wag mo akong ngitian riyan, Ferdinand. Makinig ka." Dagdag niya.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now