C&B #19

1.2K 55 17
                                    

AWITIN

IMELDA ROMUALDEZ

Tahimik akong nakasandal sa dibdib ni Ferdinand habang ito'y nakasandal sa puno at parehas namin minamasdan ang kalangitan.

Mas lalo kong nararamdaman ang tibok ng kanyang puso sa aking posisyon.

"'Pag nagka-anak tayo, gusto ko ay 'yung kasing-ganda mo." Bigla sabi nito sa akin.

Naramdaman ko na humigpit ang yakap nito sa akin mula sa aking likod. "Tapos maninirahan tayo sa isang palasyo at kahit na gano'n, maaabot parin tayo ng ibang tao." Dagdag niya.

Napangiti naman ako uminit ang mukha, "'pag nagka-anak tayo, gusto ko ay 'yung kasing-galing mo pero 'di bolero." Biro ko at hinawakan ang kamay niya na nasa harap ko.

Tumawa ito nang mahina. "Ikaw naman, 'di lalaking bolero ang anak natin 'no, romantiko, oo. Hahaha." Isinandal nito ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Magiging mabuting ama ako sa mga anak natin. 'Di mo na sila kailangan intindihin." Dagdag niya at naramdaman ko ang mga paghalik nito sa aking balikat.

Ano nga kaya ang pakiramdam ng may mga anak? Masaya ang bahay, siguro.

"Oh, ilan ba gusto mong anak?" Tanong ko rito kaya natigilan ito sa paghalik sa aking balikat. "Kung hanggang ilan ang kaya mo, pero 'wag masyadong marami, baka mawalan tayo ng oras sa isa't-isa." Sagot niya.

Hindi ko maisip kung anong pamilya ang mabubuo namin, pero gusto ko na mapuno ang aming bahay ng kasiyahan at 'wag kalungkutan. "Baka 'di mo intindihin mga anak natin kapag nailabas na at puro ka pulitika. Kung doon ka masaya, wala naman problema, basta 'wag mong kakalimutan na may nag-aantay sa'yo."

Hinarap ko ito at hinawakan ang kanyang mukha. "Ingatan mo lagi ang sarili mo." Dagdag ko. Hinawakan niya ang aking kamay na nasa kanyang mukha at saka ngumiti. "Mag-iingat ako, 'wag kang mag-alala."

Hinalikan ang kanyang pisngi at muling tumalikod sakanya.

"'Wag mo sana ako iiwan nang maaga," bulong ko.

Nalalaman ko na ang pulitika ay marahas at walang awa, babanggain ang lahat-lahat para makaangat. 'Di ko ninais na maging bahagi nito kahit kailan, ngunit dapat kong pahalagahan ang nais na larangan ng aking minamahal.

"Akala mo ba ay 'di ko nalalaman na nakikipag-babag ka? paano kung may gawin silang masama sa'yo?" Dagdag ko.

Sa tuwing maaalala ko ang mga pahayag ng Madrigal na 'yon ay nababahala ako, 'di siya isang simpleng tao, marami siyang tauhan na maaaring tumulong sakanya upang maisagawa ang kasamaan sa mga nakakalaban niya.

Ayon kay Daniel, wala noon nagbalak na labanan 'yun bilang gobernador dahil lahat ng mangangahas ay agad niya ipinapap/tay. 'Yun ay nanatili na usap-usapan sakanilang lugar at nakarating sa ibang bayan. Iisa lamang ang nakapag-patalsik sakanya, 'yun ay nung makulong siya dahil kay Ferdinand.

"'Di naman ako nakikipag-babag ah, sumasagot lang ako." Paliwanag nito at bumulong sa akin. "Hindi naman ako naghahanap ng gulo, gulo ang kusang lumalapit sa akin."

'Yun na nga eh! Bakit ba habulin ka ng gulo? Pasaway ka kasi! "'Wag mo na nga 'yun patulan, wala naman patutunguhan ang sagutan niyo." Seryosong sabi ko.

Narinig ko ang mabigat na paghinga nito. "'Di ko naman na siya papatulan, huli na 'yung sagot ko sakanya na 'yon."

"Dapat lang, tatamaan ka talaga sa akin isang sagot mo pa."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now