C&B #28

1.4K 63 110
                                    

PAANO MAGSELOS SI CONGRESSMAN MARCOS?

FERDINAND MARCOS

Matapos kong mag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ng kwarto. Kaagad naman na bumungad sa akin ang tatay ni Imelda na nakatalikod, gusto ko pa sana bumalik sa kwarto ngunit bigla ako nitong nilingon kaya napako ako sa kinatatayuan ko.

"Magandang umaga, Mr.Romualdez." Ano ba ito? para akong bata sa elementarya na bumati sakanya, mabuti na nga lang at 'di ako nautal.

Head to toe look nanaman ang ibinigay niya sa akin kaya palihim ako na huminga nang malalim, muntik ko pa nga yata  makalimutan huminga.

Ngumiti ito sa akin at nagsalita ngunit 'di ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. "Maayong buntag, kumusta imong pagkatulog? Nanghinaut ko nga dili kini daotan apan igo nga komportable alang kanimo."

Halos mapanganga ako dahil sa bilis ng pagkasabi niya ngunit nakatingin parin sakanyang mga mata.

"Adto ta," nilapitan ako nito at inakbayan, mag-tagalog nalang po kayo, parang awa niyo na.

"Samahan mo 'ko sa mesa," dagdag niya.

'Yung totoo, inaantay niya ba talaga ako na lumabas kaya nakatayo ngunit nakatalikod siya doon kanina? At nang marinig niya na bumukas ang pinto ay nilingon ako? Nako naman.

"Nanggaling ba sa kwarto mo si Imelda kagabi?" Tanong niya habang pababa ng hagdan.

Nagsinungaling na ako sakanya kahapon, kaya hindi ko na uulitin 'yon. Wala naman kaming ginawa ni Imelda- oo, meron nga pero hindi naman na 'yun kailangan na malaman eh.

"Opo," sagot ko kaya natigilan ito.

"Ano naman ang ginagawa niya sa kwarto ng lalaki at gano'ng oras pa?" Muli kaming tumuloy sa pagbaba.

"May sinabi lang ho." Narating na namin ang sala at bumungad sa akin ang mga kapatid ni Imelda, sa tingin ko.

Bakas sa mga mukha nito ang pagtataka at nakatingin sa akin, kaya naman todo iwas ako ng tingin sakanila. "Ngayon kalang nila nakita, kaya ganyan sila kung makatingin. Magpakilala ka." Bulong sa akin nito.

Ewan ko, hindi naman ako mahiyain pero bakit ganito? parang nahihiya ako.

"Congressman of Ilocos Norte 2nd District, Ferdinand Marcos, tama ba?" Tanong bigla sa akin ng isang babae na para bang mas matanda kay Imelda.

"O-oo, ako nga," iniabot ko ang kamay ko rito para makipag-kamay, "the young hot politician. Ako si Alita" Mahinang sabi niya kaya ngumiti ang tanging naisagot ko.

"Alfredo," napalingon ako sa isang lalaki at iniabot ang kamay sa akin, kinamayan ko naman ito agad at ngumiti.

Para naman akong nangangampanya nito, nangangampanya sa pamilya ng mahal ko para manalo.

Sumunod pa ang tatlo, sina Benjamin, Armando at Concepcion.

"Nagagalak kami na makilala ka," sambit nila at saka ngumiti sa akin kaya gano'n din ang aking ginawa.

Naramdaman ang marahan na pag-akay sa akin ng tatay Imelda kaya napasunod agad ako sakanya.

"Maupo ka," alok nito at itinuro ang upuan sa tabi niya.

Inaya ako niya ako na kumain ngunit ako naman ay tumanggi, hindi nga ako maka- kilos nang maayos 'pag kaharap siya at ngayon gusto niya ako na kumain katabi siya..

"Magugutom ka, ngayon pa naman kita balak na pagtanimin ng palay, paano na 'yan kung 'di ka kakain? Edi wala kang lakas."

Kinuha nito ang tinapay at ito'y isinubo sa akin kaya napakain ako ng wala sa oras. "Oh, kakain ka din naman pala, gusto mo subuan uli kita?" Napatingin ako dito. "Ay hindi, 'wag na ho."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now