C&B #18

1.2K 55 31
                                    

PLANADO

IMELDA ROMUALDEZ

"Daniel!" Nabigla ako nang biglang tinawag ni Ferdinand si Daniel.

Ayos ah, 'di na Mr.Romualdez.

"'Yun no," asar ni Danieling sakanya sabay titig sa aming dalawa. "Mukhang naaamoy ko ang label ah." Dagdag nito at saka ngumisi.

Kahit pa sanay na ako sa mga pang-aasar na ganito ni Daniel sa amin ni Ferdinand ay umiinit parin ang aking mukha, epekto ng kilig. Pumasok kaming tatlo sa loob ng aming bahay na tinutuluyan at naupo. Si Paz agad ang hinanap ko ngunit wala siya rito, minsan nalang kami mag-kausap eh.

"Oh, ano at galak na galak ka riyan kanina pa?" Tanong ni Danieling kay Ferdinand.

Ngumingiti lang ito na para bang siya ay nasa panaginip pa at nakalutang. "Hoy, Ferdy!" Bigla naman itong napatingin sakanya. "A-ano?" Nako, Ferdinand.

Tumayo ako bigla kaya napatingin sila sa akin. "'Di na kami bata at batid ko na 'yan ay nalalaman niyo. Pumayag na ako na magpakasal sakanya." Sabi ko at malayo ang tingin.

Siniko ni Ferdinand nang mahina si Daniel. "Oh, may label na ako ah." Napailing-iling naman ito at ngumiti.

Sigurado na ako sa aking nararamdaman at ito'y hindi dahil sa kakulitan ng aking iniibig, ito ang aking nais at hinding-hindi ako magsisisi.

"Totoo ba 'yan Melda?" Napatingin ako kay Danieling nang maging ito ay mapatayo sa kanyang kinauupuan. Ngumiti ako dito at tumango. "Ayun naman pala eh! Halika na sa simbahan at ako na mismo magkakasal sainyong dalawa para matapos na!"

Nagkatinginan kami ni Ferdinand at sabay na natawa. "Pero teka," muli itong naupo at napahawak sa sentido. "'Di muna siguro ito kailangan na malaman ni tito, ano kung ikasal kayo nang pasikreto? Pero simbahan parin ang diretso sa dulo?" Seryosong sabi nito.

Muli kong naalala ang liham na ipinadala ng ama, nakakaramdam ako ng takot sa aking loob dahil ngayon ko lamang siya hindi susundin bilang anak. "Tingin ko ay magandang ideya nga 'yan, ngunit 'di ba parang nakababastos na 'di manlang niya malalaman?" Tugon ni Ferdinand dito.

"Ipaaalam naman natin syempre, 'yon ay 'pag naisagawa na ang inyong kasal nang pasikreto. Kapag nangyari 'yon, wala ng magagawa si tito Vicente, diba? Edi next will be the church wedding na, pagkatapos niyo matanggap ang pag-sang-ayon o ang basbas niya. Isang sikretong laro!"

"Sikretong laro? Kung aayon naman ang lahat sa plano, payag ako. Pero kahit ano pa man ang mangyari, si Imelda lang nais ko na aking pakasalan."

Sana nga ay gano'n lang kadali ang lahat sa amin. Paano kung hindi pumayag ang itay? Ngunit 'yon ay 'di na mahalaga, ang aking nararamdaman ang masusunod at ako'y masasaktan kung pati ang aking pag-ibig ay kanilang gagatungan.

"Siya nga pala, Ferdinand is a politician, a star politician to be specific, at ano ang isang bituin? tinitingala, kaya marami ang nakatingin mula sa baba. 'Yan marahil ay isa lamang sa mga dapat niyong iwasan. At alam niyo ang ibig kong sabihin. Marami ang mga nakaabang at nagplapalno riyan sa tabi-tabi."

Tumingin ito ng may seryosong titig kay Ferdinand.

Pakiramdam ko ay 'di nais ng bibig ko na magsalita dahil walang lumalabas na letra dito, minamasdan ko ang dalawa, ngayon ay magkaharap at seryosong nag-uusap.

"Nasa'yo na ang buong-buong tiwala ko, Ferdinand. Kaya h'wag mo sana akong bibiguin, siya ang pinaka-malapit na pinsan sa akin at mahal na mahal ko 'yan kahit ganyan. Ayoko na babalik sa akin 'to na umiiyak at nasaktan dahil sa'yo. Tandaan mo, hinding-hindi ako tatanggap ng kahit na anong paliwanag pa at lalo namang hindi ako magbibigay ng ikalawang pagtatama sa mali."

Sakanya ko naramdaman ang anino ng isang ama nang sandaling sabihin niya 'yon sa harap ng lalaki na mahal ko.

"Nababatid ko ang 'yong labis-labis na pag-aalala, Daniel. Kaya naman nangangako ako na ang 'yong tiwala ay hindi mawawala. 'Di ko sasayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob sa akin, mamahalin ko si Imelda nang tapat at nag-iisa, 'yan ay aking sakanya'y ipadarama araw-araw."

Ngumiti naman si Daniel sakanya.

Ramdam ko ang kanyang pagiging totoo at hindi kailanman nagbabago ang kanyang tono, ang pagkakasunod-sunod ng salita o mas dapat ba na tawagin itong pangako? 'Di lamang 'yon mga simpleng salita, doon ay may nakatagong matinding kahulugan na unti-unti kong naiintindihan.

A/N: Hahaha prayer reveal naman oh, baka naman Mama Meldy and Tita Paz, i-reveal na 'yan, pasilip kami. Saang shop niyo ba nabili sina Papa Macoy at Tito Daniel? Location and price reveal po... charot!

"Kung mangyari man na tumutol ang aking ama, ako ay hindi na maaaring mapigilan pa." Lumapit ako sakanilang dalawa at ipinatong ang kamay sa balikat ni Ferdinand na kanya naman hinawakan at ngumiti,  "ako'y naniniwala na nasa tamang pag-ibig na, 'di ko na hahayaan na ito'y mabura at maging alaala pa." Dagdag ko.

Mas lumalalim ang aking pag-ibig para kay Ferdinand, siya ang nais ko palagi at ayaw na mawalay kahit na sandali. "Teka nga! Bakit ba napaka-seryoso naman natin?" Biglang sabi ni Daniel.

"'Wag niyo intindihin si tito, ako ang bahala, relax lang kayo." Dagdag niya.

Eto na talaga ang tatay ko, all in one na siya. "Osya sige, maiwan ko muna kayo dahil may aasikasuhin ako." Paalam pa nito at umalis na.

Hinila ako nang marahan ni Ferdinand kaya napaupo ako sakanya. "Magagalit ba ang tatay mo kung papalitan ko na 'yang apilyedo mo?" Biro nito habang nakahawak sa likod ko. "Siguro kung dadagdagan mo eh hindi naman," sagot ko at hinawakan ang mukha niya.

"Wala na talaga akong ibang nakikita na babagayan ng singsing na galing sa akin, ikaw lang."

"Tanging ikaw lang din ang gusto kong mapasaakin."

Hinalikan ako nito sa aking noo at kami'y sabay na tumayo. Inilagay ko ang aking kamay sakanyang balikat at ang kanyang kamay ay nasa aking baywang.

"Isasayaw parin kita kahit na matapos pa ang huling kanta." Bigla ako nitong hinila palapit sakanya, "at pipilitin na huminga kahit pa nahihirapan, hangga't nakikita ka."

Dahan-dahan naming isinunod ang aming katawan sa paggalaw, ang aking mga paa ay tila ba nakalutang na sa sobrang saya.

"'Di na ako matitigilan pa sa pagsayaw lalo kung ikaw ang aking katambal." Sambit ko at tumingin sakanyang mga mata.

Ngumiti ito sa akin. "'Wag mo nga akong tingnan nang ganyan, hindi ako sanay na ganyan ka kung makatingin eh." Ngumisi naman ako dito at patuloy parin siyang tinitigan. "Kasalanan mo eh, nahulog na ako sa'yo. Wala kanang magagawa."

Natawa ito nang mahina at mas lalo pa akong inilapit sakanya, "siguro naman kahit ganito kalapit, ganyan parin ang 'yong titig."

Sa sandaling 'yon ay umiwas ako ng tingin sakanya.

"Hindi na kaya 'no, hindi ko yata kayang malusaw sa harap mo dahil lang sa titig mo na tinalo ang tingin ko."

Inikot ako nito nang marahan at talaga namang kaysarap sa pakiramdam para, lang akong nasa duyan.

"Dapat masanay kana, araw-araw mo 'tong makikita lalo na sa ano," ngumisi ito kaya sinamaan ko ng tingin.

pasaway talaga!

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now