C&B #24

2K 59 65
                                    

A/N: Kaya paba? May second wedding pa, yie, kayo ha! Alam niyo ba na ang first ever kiss ni Papa Macoy kay Mama Meldy ay sa kamay pa? pasensya na ha, bawi nalang sa Man of Destiny. Hahaha!

MRS.MARCOS 

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

Bumaba ako at wala parin kahit na anino niya dito sa sala, may nakita akong isang letter sa dinner table kaya binasa ko agad ito.

To My Beloved Mrs.Marcos,

Good morning, Mrs.Marcos! I'm not good in cooking but Mrs.Romualdez taught me how, and I hope you like it. I've sent letter to your father today. I went to Danieling because he asked me to go there. Wait for me and don't be scared. I love you!

Sincerely yours,
Ferdinand Marcos

Napansin ko ang mga pagkain na nasa mesa kung saan ko nakuha ang letter at napangiti nalang. Buti nalang talaga at 'di na masyadong masakit 'tong kwan, lagot talaga sa akin 'yon pagbalik.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at bumungad siya sa akin na mayroong malawak na ngiti sakanyang labi habang ito'y nakatingin sa akin.

"Ngiting-ngiti ah, halika dito." Sumenyas ako sakanya na lumapit sa akin.

"Ikaw na, nahihirapan kaba maglakad?" Biro nito at ngumisi.

"Eh kung paliparin ko kaya sa'yo 'tong kubyertos?"

Tumawa ito nang mahina at lumapit na sa akin sabay yakap.

"Kaaga-aga pa eh ang sama na ng timpla mo," humalik ito sa pisngi ko.

Kinuha nito ang isang ubas na nakapaligid sa isang pagkain at isinubo sa akin, nginuya ko naman. Minsan eh talagang nakakalimutan ko na galit ako sakanya eh.

"Dito ka," iniupo ako nito sa isang upuan na malapit sakanya, sa harap ng mesa.

"Oh, ano?" Takang tanong ko.

"Kakainin mo 'yan, ubusin mo." Nagsimula na itong subuan ako ng mga pagkain na nakahain.

"Ang sarap 'no?"

"Oo," sagot ko naman.

"Pero mas masarap naman ako kaysa d'yan."

Nasamid pa ako nang palihim dahil sa sinabi niya, talagang tinutukso nanaman ako nito eh!

"Alam ko, baka 'pag pinatulan kita riyan, eh umatras ka bigla."

"Eleksyon nga eh 'di ko inaatrasan, ikaw pa kaya?"

Hinampas ko ito nang mahina sa balikat niya at umirap. "Tse! kumain kana nga lang!"

-------(10:30 AM)-------

Nang matapos kaming kumain ay agad ako na naligo at nag-ayos ng sarili dahil may pupuntahan daw kami ni Ferdinand, hindi naman sinabi kung saan.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa labas kung saan ay kanina pa niya ako iniintay. Baka sabihin niya kung ano-ano pa ginagawa ko sa loob.

"Oh, bakit ba ganyan ka makatingin riyan?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"Ang ganda mo kahit na anong isuot mo, pero-" Natigilan ito nang magsalita ako.

"PERO ANO?" Taas kilay na tanong ko kaya tumawa ito.

"Eh.. ibig kong sabihin, lalo ka na maganda 'pag ako ang kasama mo."

Natawa ako nang palihim at nagsimulang maglakad. Nabigla ako nang buhatin ako nito, "bakit mo 'ko binuhat? ayun na kaya 'yung sasakyan oh." saad ko sabay turo sa kotse niya.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now