C&B #21

1.2K 52 34
                                    

HANGGANG SA DULO, IKAW AT AKO

HANGGANG SA DULO, IKAW AT AKO

FERDINAND MARCOS

Walang ano-ano'y napabangon ako at bigla nalamang naalala ang panaginip, bakit ba naman ang naging panaginip ko ay halos totoo?

"12:07?" umaga na pala, muntik na akong 'di magising. Ibig sabihin, lahat ng iyon ay panaginip lang? Lahat ng nangyari?! No!

Kaya pala hindi masyadong detalyado at kulang-kulang ang mga tagpo, ako'y nasa isang panaginip lang. "Teka, edi 'di totoo na nag-away kami ni Ninoy? 'di nangyari ang bagay na 'yon?" Buti naman, batid ko na masasakit ang mga salitang binitiwan ko sakanya.

Gusto ko matulog ngunit ayaw na ng aking mga mata. Ano naman ang gagawin ko eh kaaga-aga pa? Nako naman.

Napagpasiyahan ko na lumabas ng aking kwarto at mag-ayos ng sarili bago lumabas ng bahay. Gusto kong maglakad-lakad na mag-isa, wala din naman akong kasama eh.

"Madilim pa, bakit nasa labas kana? 'di ka rin ba makatulog?" Nabigla ako nang may bigla nalang magsalita mula sa likod ko, kaya nilingon ko ito agad.

"Ah, oo nga." Sagot ko naman dito at 'di na nagsalita pang muli.

Ngayon lamang siya nakita ng aking mga mata. Siguro naman ay wala na talaga ako sa panaginip 'no?

"Wala kabang kasama?" Tanong niya at sumunod sa akin. "Bakit? may nakikita kaba?" Biro ko sakanya.

Tumawa ito at patuloy na sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa maliit na kubo, hindi ko nga alam na mayroong kubo dito, basta bigla akong dinala ng mga paa ko rito.

"Takot kaba sa mga multo?" Tanong nito kaya napatingin ako sakanya.  "Mas takot ako na mawala si Imelda."

Tumabi ito malapit sa akin at tinitigan ako kaya kumunot ang noo ko.

"Oh, eh, bakit ka naman nakatitig riyan?" Pasinghal na tanong ko.

"Masama ba ang tumitig sa'yo, lalo na kung ako'y humahanga?" Nakangiting tanong niya kaya naman umiwas ako ng tingin dito.

Oo, maganda siya pero mas maganda si Imelda.

"Oo masama, hindi naman kita kilala, at magagalit si Imelda 'pag hinayaan kita."

Bigla ako nitong iniharap sakanya, "Sino naman ba 'yang si Imelda at kanina mo pa siya binabanggit? May pag-ibig kaba sakanya?"  Bakit ba napakarami niyang tanong? 'Di ko nga siya kilala tapos kung makatanong wagas--- teka, bakit ba ang init agad ng ulo ko eh nagtatanong lang naman siya.

"Oo," sagot ko. "May pag-ibig rin ba siya sa'yo?" Ngiting-ngiti na tanong niya.

"'Di mo na kailangan malaman 'no."

Medyo kakaiba na ang pakiramdam ko sakanya simula kanina. Napakatapang naman niya na maglakad-lakad mag-isa dito at ganitong oras pa.

"Ano ba naman ang tinitingnan nito sa akin?" Sabi sa aking isip dahil nakatingin lang ito sa akin.  Nagawa niya pa akong batiin, pa'no nalang kung masamang tao ako? Edi baka kung ano na ang ginawa ko sakanya.

"Bakit hindi? Hindi kaba sigurado kung oo ang sagot, Ferdinand?" Napalunok ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko dito at napalayo kaunti sakanya, parang may mali.

"'Di mo na kailangan malaman 'no" Ulit nito sa sinabi ko kanina at ang tono ay para bang nag-iba at nang-aasar pa.

"Kailangan ko na siguro bumalik at.. medyo nakakaramdam na kasi ako ng antok." Palusot ko.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now