C&B #31

1.8K 77 250
                                    

MAS TAPAT SA KATANGHALIANG TAPAT

FERDINAND MARCOS

"5:00 pm ako uuwi, mauna kana umuwi," rinig kong sabi ni Imelda na nasa banyo.

"Susunduin kita, kaya antayin mo 'ko."

Paalala ko sakanya habang inaayos ang kurbata at nakaharap sa salamin.

Kanina pa siya nasa banyo, hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Bakit ba antagal maligo ng mga babae, ano paba ang mga ginagawa nila sa loob? anyway, wala na ako dun.

"Kaya ko naman umuwi mag-isa at may pupuntahan din ako, maiistorbo lang kita!" Pasigaw niyang sagot.

"'Wag ka makulit at bilisan mo naman d'yan, baka mahuli ka sa trabaho mo."

Maya-maya ay lumabas na ito at ang sama ng tingin sa'kin kaya natawa ako. "Oh, eh, bakit gan'yan ka makatingin?" Tanong ko.

Nilapitan ko ito at niyakap. "Hahaha. masakit paba?" Nilingon ako nito at hinampas nang mahina.

"Ba't ba ang gwapo mo? sumasama tuloy tingin ko sa'yo."

"Eh bakit ba naman kasi ang ganda mo? ginaganahan tuloy ako sa'yo."

"Kaya nga nakadalawa ka kagabi eh."

Pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Maayos naba 'yang suot mo?" inayos uli nito ang kurbata ko at pinagpag rin ang aking americana. "Magbibihis na ako," paalam niya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako at naupo sa sofa habang inaantay itong magbihis.

Ang swerte ko naman, nasa asawa ko na ang lahat-lahat, hinding-hindi ko na 'to pakakawalan. Sabi nila baliw kana kapag ngumingiti ka habang nag-iisa. Edi normal na mabaliw dahil sa sobrang saya? Ah, ewan ko, 'di ko alam. Kahit na ano pa ang itawag sa akin, isa lang ang alam ko, inlove ako sa isang Romualdez.

"Ferdinand!!"

Natulala ako sa suot nito, oo madalas kong makita na ganito nga ang mga uniporme ng mga nagtratrabaho sa Escolta pero iba ang dating niya. Araw-araw nalang akong inlove sakanya.

"Ang ganda mo, sobra."

"Inuuto mo ba 'ko?", mahinang tinapik ng paa niya ang binti ko.

"Kailan kita inuto?" hinila ko ito paupo sa aking kandungan.

"Oh, ano?" kunot noo na tanong nito habang nakahawak sa aking balikat.

"Ilang oras tayong 'di magkikita, para bang nanghihina na agad ako."

Tatapusin niya nalang ang isang linggo sa trabaho niya, dahil pinatitigil ko na siya. Ayoko na lagi siyang pagod.

"Sandali lang naman 'yon," hinawakan nito ang aking mukha at ngumiti.

Bumaba ang aking tingin sakanyang labi at hinalikan ito nang mariin. Nagbabago ang posisyon pero hindi ang tamis ng aming halik.

"Ihahatid na kita, baka mahuli ka."

Sabay pa kaming tumayo at yumakap ito sa akin habang naglalakad papalabas. She is the sweetest.

"Saan ka nga uli pupunta?" Tanong nito sa akin habang nasa loob ng sasakyan.

"Ahh. San Miguel, 'di naman masyadong malayo 'yon. Hanggang 4:30 pm lang ako dun."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora