C&B #8

1.2K 61 37
                                    

A/N: Kung may harutan sa batalan may...

Listen to Asahan Mo by Manilyn Reynes while reading this part for better experience! Thank you for suggesting!

UNANG HARUTAN SA BAGUIO

FERDINAND MARCOS

Teka muna, Sa haba ng oras na magkasama kaming dalawa, ay hindi ko ito naitanong  sakanya, kung bakit sila magkakilala at magkasama ni Ninoy.

"Imelda," tawag ko habang dahan-dahan siyang itinutulak sa duyan "Oh, bakit?" Tugon naman nito at sinulyapan ako. Ngumiti ako sakanya kaya nagtataka ito, "Bakit nga?"

"Kilala mo pala si Ninoy," inalis nito ang tingin sa akin "Ah, oo, noon pa. He is my cousin- in-law's nephew." Sagot niya. Ah, ganon pala.

Nagulat ito nang lumipat ako sa harap niya at lumuhod para magkapantay kami dahil nakaupo ito sa duyan.  "Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Nahihiyang tanong nito at tumingin sa ibang direksyon. Marahan kong iniharap sa akin ang kanyang mukha.
"Wala naman, ang ganda mo kasi."

Itinulak nito nang mahina ang balikat ko at tumawa "Daig mo pa ang baril sa dami ng bala mo." Sabi nito.

"Syempre naman, may iba't-ibang bala kaya ako."

"Natural, iba-iba rin ang mga babae mo eh, 'no?" Reverse. Dapat pala hindi ko na ginatungan 'yung sinabi niya, napasama. "Bakit? Iba- iba kaba?"

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. "Napakagaling mo talaga magbalik, 'no?" Ngumiti ako sakanya, "Magaling ka din kase magsuspetsa." Diniin nito bigla ang pagkurot sa pisngi ko "Ah, ganon ba, Congressman Marcos? Hayaan mo, sa susunod may ebidensiya na." Inalis ko nang dahan-dahan ang kamay niya sa aking mukha at kanyang mukha naman ang hinawakan ko, "Baka tumanda ka sa kakahanap ng ebidensiya at wala kapa rin makita." Biro ko sakanya.

"Pakasalan mo na kasi ako at tutulungan kita na maghanap ng ebidensiya, kahit na wala kang nakita, kasama mo naman ako sa pagtanda. Diba?" Dagdag ko.

Napansin ko ang mabilis na pamumula ng kanyang buong mukha at pilit na itinatago ang kanyang napakagandang ngiti kahit pa halata na. "Kapag nga aatakihin mo 'ko ay magdahan-dahan ka at sabihin mo para hindi ako nababaliw sa'yo." Masungit na sabi nito at tumayo mula sa duyan na magkakrus ang braso. "Surprise attack nga eh. May surprise attack ba naman na sinasabi?" Hindi nito napigilan na matawa napalakas ang hampas sa akin, "Masyado kang masakit magmahal ha." Biro ko sakanya at patuloy itong tumawa.

"'Di bale, mas masakit, mas masarap." Dagdag ko kaya nanlaki ang mga mata nito sa akin, "Ferdinand!" Sigaw niya, lumayo ako ng kaunti sakanya dahil sa posibleng panghahampas, mahirap na.

"Aba, eh totoo naman ang sinabi ko, Imelda!"  Pero bakit ako tumatakbo..

"Ferdinand! Ikaw talagang napakaloko mo eh!" Ewan ko nga kung ano ba ang pagka-intindi niya sa sinabi ko, eh wala namang mali ah.

Hinabol ako nito at nag-ikutan sa malaking puno, "Huli ka!" Ikinulong ko itong muli sa mga braso ko, "Ano ba pagkakaintindi mo, ha?" Dagdag ko, nagpupumiglas ito ngunit hindi siya nagtatagumpay. Buti at 'di ako matutumba dahil nakasandal sa puno.

"Bitawan mo nga ako at tumakbo kana sa malayo, dahil kapag naabutan kita. Mananagot ka talaga!" Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sakanya. "Ayaw kitang napapagod eh, ang ibig ko lang naman sabihin, 'pag nasaktan ka mas magtatagumpay ka, oh, ano ang mali doon?" Paliwanag ko kaya natigilan ito.

Iniharap ko ito sa akin. "Ikaw ha," ngumisi ako dito kaya sinamaan niya ako ng tingin, ang mukha ko ay inilapit ng konti sakanya. "Hanggang d'yan kalang." Hinawakan nito ang aking dibdib gamit ang kanang kamay niya para pigilin ako. Malamig ang kaliwang kamay niya nang humawak siya braso ko, nagkatitigan kami at maya-maya ay ngumisi ito.

"Gwapo mo pala talaga eh, 'no?" Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin at ako naman ngayon ang lumalayo. Anong nangyayari sa'yo, Imelda? Hinaplos nito nang dahan- dahan ang mukha ko kaya ramdam ko ang aking panghihina. "Oh? Pinagpapawisan ka yata, Ferdinand. Mainit ba?" ito ba ay si Imelda pa? Napalunok ako nang sabihin niya 'yon. Malamig sa Baguio, pero bakit parang pinag-papawisan ako.

Tumawa ito nang malakas kaya kumunot ang noo ko, "Bakit parang takot na takot ka?" Tanong nito. "Oh, edi ganyan ka pala kapag may babae na gumanyan sa'yo, hindi kana makagalaw." Inalis nito ang kamay sa akin at nawala ang tawa.

Bumalik ang ngiti ko, "Sa'yo lang naman 'tong pagtingin ko." Tugon ko. "Talaga? Baka naman nasisilaw kana d'yan, eh ayaw mo lang aminin." Ewan kung paano kami nagkakausap ngayon na magkaharap sa isa't-isa. Kung naririnig mo lang, Imelda, ikaw lamang itinitibok nitong aking puso minuminuto. "Sa araw lang naman ako nasisilaw, sa ngiti mong nakakatunaw." Lumiwanag ang mukha nito at isinandal ang kanyang ulo sa dibdib ko, "'Di na kita ibibigay o ipapahiram pa sa iba. Akin ka, mark my words or else yari ka." Sabi pa nito at nanatiling nakasandal sa dibdib ko.

"Imelda, you are my eternal sweetheart."

-------makalipas ang mahaba-habang harutan, charot-------

"Hahaha. Matulog kana." Paalam ko kay Imelda bago pumasok sa bahay na aming tinutuluyan. "Ikaw naman, 'wag ka muna matutulog ha, baka palitan kita," biro pa  nito kaya sinamaan ko siya ng tingin bago umakyat habang ito naman ay tawa nang tawa.

Napailing-iling ako na pumasok sa loob na tumatawa rin.

"Happy na happy ah," bungad ni Jose sa akin at nakangisi. "Ngayon lang siguro 'to." Biro ko. Pero totoo naman diba? Sabi nga nila kapag masyado kanang masaya eh sa susunod, lungkot naman ang sa'yo. Palitan lang.

Hays. Imelda. Imelda. Imelda. "Nga pala, natapos mo na 'yung binabasa mo?"

"Ano 'yon?" Takang tanong ko, "Ayan, 'di mo na matandaan, nakakaulyanin pala ang pag-ibig," biro nito, "'Yung kaninang binabasa mong libro kako." Dagdag niya.

Hahahaha. Hindi naman 'yon libro eh, top secret kaya 'yon. May cover siya na parang libro pero hindi talaga libro. "Ah, 'yun ba? Oo, kanina pa."

"Oh, eh, bakit ka nangingiti riyan?" 'Di ako nagsalita at nanatiling nakangiti. May hinanap ito sa estante, "Eto, basahin mo."

"Ano 'yan?"

"Naku po, ano raw ito. Malamang, libro, basahin mo."

Bigla akong natawa sa tono niya, "Oh, eh, tungkol saan naman ba 'yan?" Naiintriga na tanong ko at inabot na ang libro mula sakanya. "Ano pa, edi about love. Tutal mukha ka namang pag-ibig ngayon kaya sa'yo ko na muna ibinigay para basahin, kwento mo nalang sa'kin kapag natapos mo. Medyo tinatamad kasi ako." Tinapik nito ang balikat ko at ngumisi bago tuluyan pumasok sa kwarto.

"The Romance of Tiger and Rose." Basa ko sa title ng libro. Hmm, I don't find this exciting but feels like interesting. Ano naman kaya ang kwento nito?

Pumasok ako sa aking kwarto at umupo sa harap ng study table para simulan ang libro na ito. Gabi na pero sige parin ako sa pagbabasa nito, 'di ko alam pero ayoko 'to tigilan, dahil ba relate ako? Sa una  pa nga ng istorya ay parehas na masaya 'yung dalawang bida, pero unti-unti na itong napapalitan ng kalungkutan pagdating sa kalagitnaan.

Naalala ko na Mr.Romualdez told me that his cousin, Imelda, is the Rose of Tacloban at sa kwento ng kasalukuyan kong binabasa, the man has a strong love for the girl but whenever he will touch her, he always gets hurt and I felt that.

A/N: The Romance of Tiger and Rose is a Chinese drama, doon ko nakuha 'yung idea.  Kase PFEM is known for being the Tiger of Asia and Mrs.Imelda Marcos is the Rose of Tacloban during her time. Credits! Thank you to my sister who introduced the drama to me.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now