C&B #15

1.2K 58 25
                                    

PAGBABALIK

FERDINAND MARCOS

"Ano ba naman 'yang pinanonood mo, Pacifico?" Bumungad sa akin si Pacifico na nanonood ng telebisyon.

"Kaaga-aga ah, para bang may gyera dito, hinaan mo nga 'yang tv." Dagdag ko. 

Agad naman nitong hininaan ang tv. "Ayan na," sagot nito.

Aba, akala ko naman kung ano ang narinig ko mula sa kwarto kanina, itong tv lang pala. "Mukhang may lakad ka, kuya. Sa'n punta mo?" Naiintriga na tanong niya.

Kumunot ang aking noo at tumingin nang seryoso sakanya. "Ah basta, tumahimik ka riyan." Sagot ko. 

Lumapit ito sa akin at pinagmamasdan ako nang mabuti. "Bango ah, bago ba 'yung pabango mo?"  Inamoy-amoy ako nito.
"Ano ba 'yang ginagawa mo? Tumabi ka nga sandali at 'di ko makita sarili ko sa salamin."

"May nililigawan ka 'no? Sige na, dali sabihin mo sa akin." Pangungulit nito.

"Ayoko nga, baka agawin mo." Biro ko sakanya. "'Nay!" Napalunok ako nang tawagin niya si inay.

"Ikaw talaga, 'wag ka nga sumbong nanay riyan."

Hinawi-hawi ko ang aking buhok sa harap ng salamin. "Napanood kita sa tv kagabi, hahaha! not single but no label."

Sinamaan ko ito ng tingin kaya lumayo ito nang kaunti sa akin. "Kuya, bakit wala kang label?" Inosenteng tanong niya.

"Umalis ka nga muna sandali sa aking paningin, baka hindi kita matantsa eh makalimutan kong kapatid kita."

Hindi ito nagpatinag at nakatayo lang sa aking gilid, tila ba pinagmamasdan ang paghawi ko sa aking buhok. "Kuya, tara nalang sa ano, magic place." Bigla sabi nito kaya kunot noo ko siyang nilingon. "Ano?" Tanong ko rito. "Magic place," sagot niya.

A/N: Diba 'yan 'yung biskwit, 'yung Magic Flakes. Nice joke. Hahaha charot!

"Hindi, tumigil ka. Subukan mo lang na pumunta doon at tatamaan ka talaga sa akin." Sabi ko pa at umakyat para bumalik sa kwarto.

"Kuya!" Hindi ko na ito pinansin pa at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

A/N: Listen to Mahal Ka Sa Akin by Tootsie Guevarra while reading this part for better experience!

IMELDA ROMUALDEZ

Alin ba ang isusuot ko sa dalawang 'to? Ito bang pula o puti? Ahhh! red or white? Ano ba ang mas maganda? Natataranta ako na parang ewan dito. Bahala na nga!

"Hindi kita lalabhan," sabi ko sa aking kobre kama, amoy Ferdinand parin eh!

Bakit kapag magkasama kami, mabilis ang oras, kapag naman magkahiwalay kami ay parang napakabagal ng takbo ng oras?

"Bakit ba antagal niya? Baka naman iba na ang tinatrabaho niya doon." Niyakap ko ang unan nang mahigpit na may amoy parin ng pabango niya. "Subukan niya lang, wala siyang reward."

Bigla akong natawa nang mahina nang maalala na namarkahan ko na pala ang labi niya.

"Bakit ba ang gwapo mo ha, Ferdinand? Lagi mo nalang akong pinapakaba at pinakikilig! tapos ngayon bigla kang mawawala! " Reklamo ko sa aking isip.

Kumakabog nang napakalakas ang aking puso sa tuwing makikita ko siya. Naalala ko lang, nasa panaginip ko pa siya kagabi. Medyo kakaibang panaginip 'yon at para ngang totoo. "Ahhhhh!" Mahinang sigaw ko habang inaalala ang aking panaginip.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now