C&B #17

1.3K 59 76
                                    

A/N: Namali ako ng entry ಥ﹏ಥ delete niyo sa isip niyo 'yung nabasa kagabi, charot!

PANGAKO

FERDINAND MARCOS

"Hoy, Ferdy!" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ni Mr.Romualdez.

Bigla-bigla akong natutulala dahil sa aking naging panaginip. Parang totoo.

"Wala pa ngang Huwebes Santo, bakit Biyernes Santo na 'yang mukha mo?"

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman mukhang Biyernes Santo 'tong mukha ko ah, malalim lang talaga iniisip ko kaya ganito. "Mr.Romualdez talaga, hindi naman ah." Tugon ko.

"Mukha naman akong matanda kapag 'yang 'Mr.Romualdez' ang tawag mo. 'Di kaba talaga matututo na 'Danieling' o 'Daniel' nalang ang itawag mo sa akin?" reklamo niya.

Baka naman magmukhang walang galang ako sakanya non, 10 years ang tanda niya sa akin tapos ang itatawag ko lang sakanya Daniel?

  "Ayoko naman niyan eh, parang walang galang. Kuya nalang."

Nagsalubong ang mga kilay nito sa akin. "Hu. Ayoko nga ng 'kuya'! Daniel nga kasi itawag mo sa akin, si Imelda nga kung maka-Daniel wagas, oh!" Paliwanag niya.

Sige na nga, kung 'yan ang gusto mo. Bakit ba ayaw niya ng 'kuya'? Ang saya kaya non, ikaw ang nakatataas, lalo na sa mga kapatid mo, pero ikaw naman ang may kasalanan kapag umiyak sila kahit wala kang ginagawa.  Teka, ngayon ko lang naalala na parehas pa kami ng kaarawan nito, September 11, 1907 siya tapos ako 1917.

"Nasa'n pala si Melda? 'Di mo ata kasama ngayon ah." Dagdag nito at ngumisi

Nilingon ko ang aking paligid ngunit wala kahit na anino niya akong nakita. "Siguro kasama mga kaibigan niya," sagot ko.

Kanina lang kami nagkasama, simula nang bumalik ako dito eh. Dapat pala hindi na ako umalis kanina, para hanggang ngayon ay magkasama parin kaming dalawa.

"Ayun! Kaya naman pala 'yang mukha mo eh 'di maipinta." Napailing-iling ito.

Saan ba naman kasi nagpunta 'yun? 'Di manlang ako tinawag. Galit na ako.

"Teka, may sasabihin ako sa'yo," bigla ako nitong hinila nang marahan papunta sakanya.

"Alam mo ba na pinababalik si Melda sa Tacloban? nako, dapat magkalabel kana ngayon palang." Dagdag niya, tumingin ako sakanya na puno ng pagtataka.

Saan naman niya nalaman na wala akong label? Ay oo nga pala, nadulas ako nung may nagtanong sa 'kin.  Pero babalik si Imelda sa Tacloban? Bakit hindi niya sa akin sinabi?

"Nako, Ferdy." Inakbayan ako nito at ngumisi. "Tsk, tsk. Delikado kana."

Nako naman.

"Mr.Romualdez naman- ay Daniel pala, hindi ko naman papayagan 'yun 'no! "

"Bakit? Lalaban kaba sa tatay ni Melda? Hahaha! hindi, biro lang."

Tinapik-tapik nito ang dibdib ko.

"Pero sa nakikita ko nga eh 'di ka naman siguro haharangin ni tito, gigisahin, oo."

Napalunok ako bigla dahil sa sinabi nito sa akin, mahina siyang tumawa bago umalis. Tinatakot niya ba 'ko?

"Ferdinand!" Nilingon ko agad kung sino ang tumatawag sa akin. Si Imelda. Para bang bumabagal ang paligid kapag siya ang nakikita ko.

Hindi siya nagbabago, lalo pa nga siyang gumaganda at lalo akong nahuhulog nang paulit-ulit sakanya. Sa'yo lamang ang pagmamahal ko, Imelda Romualdez.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz