C&B #22

1.5K 64 105
                                    

HARDIN

IMELDA ROMUALDEZ

Minamasdan ko si Ferdinand habang nag- babasa ito ng libro, baka naman women's magazine nanaman ang tinitingnan nito, yari ka talaga sa akin, tingnan mo. Nasa hardin kami at nakaupo sa mahabang upuan, nakalayo siya nang kaunti sa akin at naka-dekwatro habang nakatingin sa libro, minsan ay nangingiti pa, humanda ka talaga.

Tinapik ko ang likod niya. "Hoy, baka naman women's magazine nanaman 'yang binabasa mo?" narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"'Di 'no, titingnan nga lang kita buong women's magazine na ang nakikita ko eh." Natatawang sabi nito sa akin.

"Oh, eh, ano ba 'yang binabasa mo kasi? At ngiting-ngiti ka?" Nilingon ako nito at saka biglang ngumisi, "bakit? Gusto mo rin basahin?" Tinaasan ko ito ng kilay at tiningnan ang libro na hawak niya.

Iniabot niya ito sa akin para makita, kaya kinuha ko agad at tiningnan ang nilalaman nito. "The Romance of Tiger and Rose?" Basa ko sa unang pahina nito, tungkol sa'n naman kaya ang istorya? masaya ba ang ending o malungkot?

"Namat/y 'yung lalaki sa dulo niyan eh, naiwan na mag-isa 'yung babae at 'di na ito muling naghanap ng lalaki na iibigin niya. She loves him so much, but he didn't make it." Seryosong sabi ni Ferdinand sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin kaya nagtaka ito. "Bakit mo naman sinabi agad? hindi ko pa nga nasisimulan basahin, sinaktan mo agad ako," reklamo ko.

Tumawa ito at inakbayan ako. "Mababasa mo rin naman 'yun ah, at masasaktan ka rin  naman. Ayos na 'yung nalalaman mo na ganon ang mangyayari para 'di ka umasa sa happy ending."

Natigilan ako nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, para bang mayroon siyang ipinahihiwatig. "Aba, eh, ano ang gusto mong mangyari? malaman nang mas maaga para 'di masaktan nang sobra?"

"Disappointed but not surprised, don't worry, she's still happy because of their children but feeling incomplete without the love of her life."

A/N: Papa Macoy pala ang sinaunang spoiler ಥ﹏ಥ  spoiler na mabango~

Dahil sa mga sinabi niya ay agad kong binuklat ang pinakahuling pahina ng kwento.

"...A painting only becomes a masterpiece if it was evidently made with tiny details that tell more story than the painting itself...and love only becomes true if it is manifested through little things that confess the feeling with clarity. -Rosaceae"

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang sandaling mabasa 'yon. Kakaiba talaga ang pakiramdam nito sa'yo kung ika'y nagmamahal at minamahal, bawat salita ay may halaga at nakatagong mga kahulugan sa bawat letra.

"Ba't naman ngiting-ngiti ka? malungkot pala 'tong istorya!" Mahinang sigaw ko pa kay Ferdinand. Ngumiti ito at marahan na isinara ang libro at saka iniharap ako sakanya. "'Di naman 'yan ang binabasa ko eh, 'yung masasayang alaala nilang dalawa, mas  nanaisin ko na balikan ang mga alaala na nakapag-pangiti sa akin kaysa nagpasakit sa aking damdamin."

Kahit pa siya'y nakangiti ngayon sa akin ay nararamdaman ko parin na mayroon siya na itinatagong sakit, bakit ba ayaw niya pa sabihin? at idinaraan pa niya sa mga salita at libro na binabasa niya, naiintindihan ko naman, pero hindi ko alam kung tiyak nga ba ang aking nalalaman. "Kaya 'pag ako ay nawala, masasayang alaala at sandali lang ang balikan mo at 'wag ang sakit na naidulot ko nang ako'y mawala sa tabi mo." Dagdag niya.

Lumayo ako nang kaunti sakanya. "Kung mawawala ka man... ngayon palang ay bumuo na tayo ng mga alaala na 'di natin malilimutan magpakailanman."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now