C&B #11

1.1K 54 20
                                    

A/N: 'Wag kayo matakot, 'di horror 'to. Hoy, ibang Gabi ng Lagim ata 'yang nasa isip mo. Hahahaha charot!

GABI NG LAGIM?

FERDINAND MARCOS

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang aking katawan na para bang hirap na hirap lalo na ang bandang likod. Sobrang sakit.

Teka nga, nasa'n ako? At kaninong kwarto 'to? 'Di kaya nasa rest house parin kami at tinotoo ni Mr.Romualdez 'yung sinabi niya?! 'Wag naman sana.

"Basta sa akin na 'yung isa 'no!" May narinig akong sigaw mula sa labas ng kwarto kung nasaan ako. Nako, yari na, tunog babae siya.

Hindi pa man din kami ikinakasal ni Imelda, may sabit na. Nako naman.

"Akin nalang kasi 'yung congressman!" Napalunok ako nang marinig ang isa pang babae na sumigaw. Kalma, Ferdinand, 'di lang ikaw ang congressman. Nand'yan pa si Mr.Romualdez, baka siya talaga 'yung tinutukoy at 'di ikaw. "Lahat nalang sa'yo eh, ako naman," gusto ko na bumangon at tumakas dito pero nahihirapan ako.

A/N: What if panaginip lang  pala ni Mama Meldy na first kiss niya si Papa Macoy at 'di pa talaga nakakauwi 'yung tatlo? What if nasa rest house parin sila? Hala ka. Charot!

Naramdaman kong parang may papalapit sa kwarto kaya mabilis akong pumikit. Bumukas na ang pinto at naramdaman ko na may papalapit sa akin. Kinilabutan ako bigla nang dahan-dahan na may humawak sa buhok ko.

"'Wag mo ako hawakan!" Sigaw ko sabay bukas ng aking mga mata. Bigla ako nitong pinitik sa noo.

"Imelda?" Nawala ang takot sa akin nang makita ang kanyang mukha.

"Ano ginagawa mo dito?" Dagdag ko.

Naupo ito sa aking tabi na masama ang tingin sa akin. Malay ko ba kasi na ikaw pala 'yan!

"Ito ang kwarto eh," sagot nito. Kwarto niya? Eh sino 'yung mga naririnig ko na mga babae sa labas kanina?

"Sandali." Dagdag nito at lumabas. Bakit naman ako aalis? Eh kwarto mo naman pala 'to.

Lumabas siya ng kwarto at maya-maya pa ay bumalik na. May dala-dala itong isang tasa at inilapag sa lamesa na nasa tabi ng kama. Pero ganon parin ang tingin sa akin, para bang nagliliyab at galit parin gawa ng nasigawan ko kanina. Hindi ko naman kasi sinasadya!

"Oh, inumin mo 'to. 'Wag mong iluluwa, sinasabi ko sa'yo."

Kanina ay hirap na hirap pa ako gumalaw tapos ngayon naman ang bilis ko nakaupo.

"Ano 'to?" Tanong ko. Hindi ko gusto 'yung amoy kaya paano ko 'to hindi iluluwa kung sa amoy palang hindi ko na kaya. "Basta. Inumin mo nalang," sagot niya.

Kinuha ko ito mula sakanya at mabilis na ininom, hindi naman kasi ganon kainit, at sabi nila, kapag mabilis 'yung pag-inom mo eh 'di mo na malalasahan pa. Pero parang 'di yata tumalab, gusto kong masuka.

"Lunukin mo 'yan," nakatingin sa akin si Imelda at nahalata na parang malapit ko na iluwa ito.

"Isa," pagbilang niya.

Akala ko noon, luha lang ang kailangan ko pigilan, pati pala 'to. Baka lason 'to ah, 'di bale, patay na patay naman na ako sa'yo.

Matagumpay ko namang nalunok 'yung ininom ko at hindi nailuwa.

"Bakit ka naglasing?" Unang tanong nito kaya napalunok ako. 

"Ano kasi, ano-" 'Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang muli itong magtanong.

"Saan kayo nagpunta ha? Sino pa mga kasama niyo? Sino nagsabi sa'yo na na uminom ka ng alak? Bakit mo ako sinisigawan kanina?"

Napaawang ang labi ko sa sunod-sunod niyang tanong. May nasira ba akong pangalan sakanya at hindi ko manlang nalalaman? May nagawa rin ba ako kanina na 'di ko rin alam? Bakit ganito siya kung magtanong?

"Bakit hindi ka makasagot? Nag-iisip kapa ng mga palusot? Ano? Sagot!"

Napaayos ako sa pagkakaupo. Katakot ka naman, sandali nga. Nakipag-gyera pa ako, sa'yo lang pala mauubos bala ko.

"Paano akong sasagot? Eh 'yang mga tanong mo eh sunod-sunod, ratatata." Biro ko sakanya.

"At sasagot kapa ha," ano ba ang sabi niya kanina? Sumagot daw ako tapos ngayong ginawa ko, galit parin siya.

"Wala naman kaming kasama na iba ah. Sa rest house kami nagpunta. Tapos ano, hinamon kasi kami ni Mr.Romualdez eh, paramihan daw, eh competitive ako."

Paramihan daw tapos siya hindi uminom, I feel betrayed. Ako nga yata ang nakarami sa aming tatlo. Hindi naman ako umiinom talaga kasi hindi ko gusto 'yung lasa, huli na talaga 'to. Ayoko na. Ang tindi ng tama sa akin, nakakahilo, sobra.

"'Yan napapala niyo, si Daniel pa talaga ang kinalaban niyo ha, eh hindi naman umiinom 'yan talaga, hanggang aya lang 'yan! Kinagat niyo naman." Sermon ba tawag dito? Siguro. Bakit kaba nagagalit, Imelda ko? Umuwi naman ako ng buhay ah.

Ngumisi ako sakanya kaya iniwasan ako ng tingin nito "Wala naman siguro akong ginawa, diba?" Wala na talaga akong natatandaan. Pero paano ako napunta sa kwarto niya?

"W-wala 'no!" Sagot nito na para bang iniiwasan ang tanong.

IMELDA ROMUALDEZ

Ahhhh! Hindi ko aaminin na nahalikan kita 'no. Bahala ka d'yan, buti nalang at wala kang alam. Pero hindi ko talaga maiwasan na hindi tumingin sa labi mo eh,  bakit kase ganyan ka, masyadong masama ang pagkahulog ko sa'yo.

"Bakit pala nandito ako sa kwarto mo?" Tanong niya na may halong pagkalito.

"Ah, eh, ang sabi ni Danieling dito kita dalhin dahil mananagot siya kay Jose 'pag nalaman na pinainom ka niya."

Tumalikod ako dito dahil hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na 'wag tingnan ang kanyang labi, mabuti na lamang at 'di niya ako nahahalata.

"Salamat," tugon niya.

"Gusto ka daw ng mga kaibigan ko, ipahihiram ba muna kita?" Biro ko sakanya.

"Baka maubos ang lakas ko sakanila at walang matira sa'yo." Umakyat ang init sa aking mukha, wala talagang preno oh.

"Bakit naman mauubos 'yang lakas mo?" Naiintriga kong tanong.

"Wala naman, sa'yo pa nga lang ay kulang na ang lakas ko, sakanila pa kaya?"

At ano naman ang ibig mong sabihin ha? Ako nalang ang umuubos ng lakas mo palagi? Eto pa ha, kung hindi ako, sino ba ang dapat? "Dapat lang 'noh, kung 'di sa akin mauubos lakas mo, edi wala din."

Naramdaman ko ang magkabilang kamay nito sa balikat ko. Ipinatong niya sa aking balikat ang kanyang ulo.

"Parang hanggang ngayon yata eh lasing ka," kabado na sabi ko sakanya.

Dumampi sa aking leeg ang kanyang labi kaya pakiramdam ko ay nanlalamig na ang buong katawan ko.

"Ferdinand," saway ko sakanya. Bumaba ang kanyang mga kamay sa baywang ko at niyakap ako mula sa aking likod nang mahigpit.

"Don't worry, I can control myself. This is not the time and I can wait." Bulong niya sa akin kaya napangiti ako bigla sa hangin.

"Baka you can't control na kapag iba na ang kasama mo."

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"Bakit sa iba pa? Eh sa'yo ko lang naman gusto ubusin ang lakas ko."

Hinarap ko ito at mahinang hinampas ang dibdib at sa huli ay niyakap ito. Minsan ay napapaisip ako kung gaano siya kabaliw sa akin. Kung tutuusin nga ay napakarami niyang pagkakataon para gawin ang gusto niya sa akin, pero mas pinili niya na maghintay at 'di naman masasayang ang paghihintay. I love you so much, Ferdinand Marcos. Ang kulit mo.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα