C&B #13

1.2K 56 25
                                    

HALIK

IMELDA ROMUALDEZ

Naiwan akong tulala dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hindi nga kaya nasasaktan siya kapag si Ninoy ang kasama ko? Siya na nga 'yung nasaktan ako pa ang galit. Maling-mali!

Nagbalik ako sa reyalidad nang makitang muli ang mukha niya.

"Imelda, ano ba? Halika na." Aya nito sa akin at hinawi-hawi ang buhok niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tinititigan lang siya.

"Ano ba inaantay mo, pasko? Halika na sabi eh." Dagdag niya. Huminga ito nang malalim at nilapitan ako. "Ayaw mo ha," binuhat ako nito kaya naman doon lang ako nagsimulang gumalaw. "Lalakad na nga eh, ibaba mo na 'ko." Sambit ko.

"'Wag ka malikot," saway nito sa akin.

Hindi na ako muling nagpumiglas, ikaw ba naman ang buhatin ng isang Ferdinand Marcos at pabridal style pa. Kung maari nga lang na 'wag muna tumibok ang puso dahil baka marinig niya.

"Sorry," mahinang bulong ko sakanya.

Natigilan ito at tumingin sa akin, 'wag ka nga tumingin! Maaari naman tayo na mag-usap kahit hindi mo ako titigan nang ganyan ah.

"Sorry? Bakit ha, may kasalanan kaba sa akin?" Takang tanong nito at mas lalo pa akong tinitigan. Umiwas ako ng tingin sakanya.

"Wala naman, baka masaktan kita, ayan nag-sorry na agad ako." Eto nanaman ang problema ko, hindi ko masabi sakanya nang diretso kung ano talaga ang ibig kong sabihin. "Bakit isa lang?" Sarkastikong tanong niya. Napatingin ako sakanya dahil doon.

"Hindi, biro lang. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan, 'di mo kailangan mag-sorry." Dagdag pa niya. Lalo mo akong kinokonsensya niyan eh!

Nagpatuloy ito sa paglalakad "Bakit ka pala babalik ng Maynila? Ayaw mo na dito?" Tanong ko. 

"..Oo, mapanakit ka kasi eh. Hindi, may trabaho lang ako na kailangan tapusin."

Wala pala talaga silang bakasyon. Laging may trabaho. "Kailan ka babalik?" 'Wag ka magtatagal kung ayaw mong pag-isipan kita ng masama. Biro lang, para kasing 'di kumpleto ang araw ko kapag wala akong Ferdinand na nakikita.

"Sandali lang naman ako. Mabilis ako makakarating doon at pati na pabalik dito." Ngumisi ito sa akin.

"Nako ha, baka naman maaksidente kapa kakamadali mo. " Nag-aalala na sabi ko.

"Mag-iingat naman ako." Tugon nito at ngumiti. Sinenyasan ko ito na ilapit ang kanyang mukha sa akin na agad naman niyang sinunod, may permiso talaga galing sa akin, para hindi ako kakaba-kaba.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at ngumiti "Itong mukha parin na 'to ang gusto kong bumalik dito," dagdag ko at hinalikan ang kanyang kanang pisngi.

Natulala ito saglit sa akin at nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa, bigla akong nakaramdam ng kaba, ginusto ko 'to, kaya titiisin ko. "Namumula ka nanaman," ngumisi ito at inilayo ang mukha niya.

Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa harap ng bahay kaya hiniling ko sakanya na ibaba na ako. Dahil baka may surprise attack 'yung dalawa ay 'di pa namin alam.

"Oh? Akala namin ay naligaw kana eh." Bungad ni Daniel nang pumasok ako sa loob ng bahay. "Saan ka galing?" Dagdag niya.

"D'yan lang sa labas, sa mga ano, sa mga kaibigan ko." Sagot ko at dumiretso agad sa kwarto. "Ay, Imelda!" Natigilan ako sa pagbubukas ng pinto nang marinig ko si Daniel. "Bakit?" Bumalik ako sa sala.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now