C&B #10

1.1K 62 55
                                    

A/N: Teka nga, ampogi ng pangalan ni Daniel Romualdez! Oh eto na inaantay niyo------- ano ang iniisip mo? nakakita kalang ng kwarto eh, 'wag kayong ano riyan ಥ﹏ಥ

KWARTO

IMELDA ROMUALDEZ

Bakit ba naman tanghali na ay hindi parin ibinabalik ni Danieling 'yung dalawa? Sa'n ba nakarating ang mga 'yon? Masyadong yatang nagsasaya 'yung Ferdinand na 'yon, yari ka sa akin pag-uwi. I think that's nice pala ha. I think it's nice kung makakatikim ka ng parusa.

"Kanina kapa  nakadungaw riyan, Imelda. Sino ba ang inaantay mo?" 

Sino pa? Edi 'yung congressman na 'yon na hanggang ngayon ay wala. Tingnan lang natin kung tumalab pa mga lucky words and moves mo sa akin. Palibhasa alam na mahal na mahal ko siya kaya kampante na eh, tingnan natin ngayon, lumagot ka.

"Ah ano, may tinitingnan lang sa labas, ang gaganda lang pagmasdan ng mga halaman."

Sinasabi ko sa'yo, masilotan ka kung wala ka dinhi pagkahuman sa usa ka oras. 'Di ka talaga nadadala ah.

"...To the left! to the right!.. get ready for the fight!" Sigaw ng dalawa.

Napasapo nalamang ako sa aking noo nang makita sina Daniel at Ferdinand na sabay pang sumisigaw, mga kalog talaga, lalakas ng tama eh 'noh? Congressman pa man din kayong dalawa.

Lumabas ako ng bahay para salubungin ang mga ito.

"Aba, eh, good boy naman pala 'tong si Ferdinand 'no?  kaso sa simula nga lang. Hahaha!" Bungad ni Daniel at tawa nang tawa. Nakapatong sa balikat niya ang braso ni Ferdinand at nakayuko ito.

"Ano ba naman kasi ang ginawa mo dito kay Ferdinand?" Kunot noo na tanong ko "Teka, si Ninoy, asan?" Dagdag na tanong ko.

"Ayun nga, naihatid ko na,  bagsak rin eh. Mahihinang nilalang."

Sakanilang tatlo siguro, si Danieling lang ang bumalik na matino, may ginawa 'tong kalokohan sa dalawa panigurado. Amoy alak 'tong si Ferdinand eh. Katanghalian tapos pinainom mo 'yung dalawa?!

"Sa kwarto mo muna dalhin 'to. Lagot kasi ako nito kay Jose, 'pag nalaman niya na pinainom ko si Ferdinand." Pakiusap nito kaya naman biglang nagsalubong ang mga kilay ko.

Ano ha? anong sa kwarto ko? Aba, eh, may mga kwarto naman na iba. Bakit sa kwarto ko? Dami-daming kwarto! At doon kaya sa taas!

"Kasalanan mo 'yan eh, bakit mo kasi siya pinainom? At katanghalian pa ha, Danieling! Isusumbong talaga kita kay Jose! Pasalamat ka at wala dito." Inis na sabi ko at umirap.

Tingnan mo ginawa mo kay Ferdinand oh, lasing na lasing. Saan ba kasi kayong tatlo nakarating ha? May bar  ba sa kagubatan ganon?

"Wala ba d'yan? Hahaha. Hindi naman talaga siya iinom eh, kaso nga lang may usapan kami."

Sige na, 'wag kanang maraming salita, dalhin mo na oh." Dagdag nito.

Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Ano naman 'yang usapan niyo?" Tanong ko.

"Sakanya mo nalang itanong." Nakangisi na sagot nito. Mukhang may 'di maganda sa pinag-usapan ng mga 'to.

Bigla nitong inilipat sa akin ang braso ni Ferdinand na sakanya nakapatong. Ah- medyo mabigat ha.

Grrrrr. "Yari ka talaga," inis na sabi ko at tiningnan pa nang masama, siya naman ay 'di na ito pinansin at patuloy sa pagtawa. May araw ka talaga sa akin, Daniel! 

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now