C&B #12

1.2K 58 66
                                    

A/N: Gusto ko na tuloy magpunta sa Baguio but my third eye says no.

SUYUAN SA KAKAHUYAN

FERDINAND MARCOS

"He is trying to win her heart but she is too hard to get," basa ko sa isang linya ng libro na aking binabasa.

"Ferdy," nabaling ang aking atensyon sa kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Oh? Bukas 'yan, pumasok kana."

Pumasok na agad si Jose nang sabihin ko 'yon. "Hindi kaba lalabas? Kanina kapa riyan eh." Tanong nito. Oo nga 'no?

"Lalabas ako, sandali."

Lumapit ito sa akin at bumulong. "May balita ako sa'yo." Agad naman akong naging interesado at isinara ang libro. 

"Nasa labas si Imelda," panimula nito sa akin. "Oh, tapos ano?" Tanong ko dito.

"May kasama!" Biglaw sigaw nito sa akin kaya napalayo ako ng kaunti.

"Aray naman," reklamo ko.

"Ay, pasensya na."

Sino naman ang kasama niya? Si Ninoy? Ako ba eh talagang kinakalaban non? Teka nga, masyado ata niyang sineryoso 'yung we share everything noon ah. Things lang naman ang ibig kong sabihin hindi girls.

"Hoy, saan ka pupunta?" Hindi na ako nag-abala pa na sumagot at dumiretso sa labas at nagtatakbo pa. "Really?" Sabi ko sa aking isip.

Sabi na nga ba, si Ninoy nanaman ang kasama eh! Bakit ba kapag wala ako sa tabi mo eh siya nalang lagi ang nakikita mo? Ah, kainis.

"Lapitan mo nga," nagulantang ako nang may magsalita sa gilid ko.

"Hu. Ayoko nga, hayaan mo siya doon." Inalis ko ang aking tingin sa sakanilang dalawa."Bakit naman ako magseselos d'yan?" Dagdag ko.

"Wala naman akong sinabi ah, ang sabi ko eh lapitan mo," asar nito. Nako, ayoko nga eh, panoorin ko nalang sila d'yan, 'no! mukhang romance pa nga ata ang genre ng drama nilang dalawa.

"Romantic, tsk." Bulong ko at umirap sa dalawa.

Tinapik ni Jose ang balikat ko. "Ano sabi mo?"

"Wala!" Masungit na tugon ko. Umalis ito na tawang-tawa, whatever.

A/N: Ang expensive naman ng 'whatever' mo Papa Macoy

Talaga nga naman oh! Kailangan ba na magkahawak pa kayo ng kamay talaga, ha?! Ano kaya kung ikadena ko nalang kayong dalawa d'yan 'no? Dapat talaga 24/7 akong kasama ni Imelda eh.

"Here's your coffee, eto ang inuuna sa umaga, hindi sama ng loob ha." Asar ni Jose sa akin.

Tinapunan ko ito ng tingin at ibinalik ang aking atensyon sa dalawa, ang lovebirds ng taon.

"Ako na," Rinig ko na sabi ni Ninoy at may inabot na kung ano. Nagtawanan ang mga ito kaya nakaramdam ako ng pagka-irita.

"Ang akala siguro hindi ko sila nakikita," bulong ko sa sarili.  Sige, Imelda, tawa lang nang tawa d'yan. Wala kang back hug.

"Teka nga, bakit walang lasa 'to?" Takang tanong ko.

"Pa'no wala naman 'yang kape, mainit na tubig palang 'yan! Lalagyan ko pa lang, eto nga oh!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa tasa na hawak ko, wala
nga pala talaga, mainit na tubig lang.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Eh halos ubusin ko na 'to, dahil ang akala ko ay nasa dulo ang lasa!"

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now