C&B #27

1.3K 65 112
                                    

A/N: Pentagon na ang tawag ko sa lima ಥ﹏ಥ Enjoy niyo lang muna romantic scenes sa ngayon. Hahaha!

BAHAY NG MGA ROMUALDEZ

FERDINAND MARCOS

"Kaakibat ng salita ang gawa," sagot ko.

"Nasa larangan ka ng pulitika, paano mo maipapakita na tapat at may oras ka sa aking anak?"

Politics is the only barrier.

"'Di ho lahat ng oras ko ay nasa pulitika, nasa kanya ang iba, hindi ko kailanman hahayaan na mawalan ng oras para sakanya. Tapat ang pag-ibig ko para sainyong anak."

"Magaling ka magsalita, gusto kita."

Tumawa ito nang mahina at lumapit sa akin. "Mukhang anak mayaman ka, sanay kabang maghirap?" Bulong sa akin kaya natigilan ako.

Maghirap? Ang ibig sabihin ba niya ay maging mahirap? Hindi ko alam, 'di naman ako nahihirapan.

"Anong problema? 'di mo ba kaya kung may ipagagawa ako sa'yo? Hindi kaba handa?" Dagdag niya.

Ipinanganak ho akong handa. Pero depende kung anong kahandaan..

"Kaya ko ho gawin ang lahat ng maaari niyong ipagawa sa akin."

"Kaya mo? kaya mo magtanim ng palay? kaya ba ng katawan mo na madikitan ng putik?"

Magtanim lang pala eh, walang problema 'yan! Aba, nung bata pa nga ako ay lagi akong nasa bukid 'no. Kayang-kaya ko 'yan lalo 'pag si Imelda ang aanihin.

"'Di naman ho maselan ang aking katawan pagdating sa mga ganyan." Seryosong sagot ko.

Tinapik niya ang aking balikat at naupo sa tabi ko. "'Sinabi ko naman sa'yo na gusto kita, Marcos, susubukan lang natin 'yang kakayahan mo." Pagkasabi non ay ginulo ang buhok ko.

Guluhin niyo na ang lahat, 'wag lang 'yung buhok ko...

"Siguro naman wala pa kayong nagagawa na milagro ng anak ko, lalaki ka at babae siya, mahirap iwasan ang tukso. Ano ha, meron ba?" Naiintriga nitong tanong.

ANONG SASABIHIN KO? Ayoko naman na magsinungaling. Nararamdaman ko ang unti-unting pagpatak ng pawis sa aking katawan

"Ferdinand, tinatanong kita, uulitin ko. May ginagawa ba kayong milagro ni Imelda?" Napailing-iling ako dito at 'di magawang buksan ang bibig.

"Sigurado kaba riyan sa sagot mo?" Muling tanong niya at tinapik-tapik ang dibdib ko.

"O-opo," nauutal na sagot ko.

Marami pa sa akin 'tong itinanong na nasagot ko naman, may parte na sa tono niya ay binabantaan ako pero hindi ko naman 'yun maaalis sakanya, dahil isa siyang ama.

Inihatid ako nito sa magiging kwarto ko dito, kaninong kwarto kaya 'to? Guest room? Anlaki para sa isa.

"Alam kong pagod kana, kaya hahayaan na muna kita magpahinga."

Tinapik nito ang balikat ko at umalis na.

Nakahinga ako nang maluwag nang isara ko ang pintuan at napaupo sa likod ng pinto.

"Parang nabuhay sakanya ang kaluluwa ng tatay ko." Bulong ko sa sarili at napahawak sa dibdib.

Inayos ko na ang mga gamit ko at kaagad na nahiga sa kama. Saan kaya kwarto dito ni Imelda? marami kasi akong nakita kanina na kwarto, 'di ko alam kung nasa'n siya sa mga kwartong 'yon.

Maya-maya pa ay may narinig akong katok mula sa pinto. Sana naman ay 'di ito ang tatay ni Imelda, 'wag ko kayang buksan? iisipin non na tulog na ako. Hayaan ko na nga na kumatok, haharapin ko naman siya bukas eh, wala lang talaga akong lakas ngayon.

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now