C&B #20

1.2K 56 30
                                    

A/N: 97% expensive bardagulan ಥ﹏ಥ

LUMIPAS NA NAKARAAN

FERDINAND MARCOS

"Bakit ho kayo napatawag?" Bungad ko sa aking ina nang sagutin ang telepono.

"Ay nako, ang batang 'to! bakit daw ako tumawag. Ano ba ang ginagawa mo at kaytagal mong sumagot?" Tanong nito.

Nasa labas ako kanina kasama si Imelda, tinawag nga lang ako ni Jose.

"Wala ho, may pinuntahan lang."

Hindi ko muna sasabihin sakanya, surprise para mas masaya. Wala pa naman ako sa amin, baka kung ano ang mangyari 'pag sinabi ko.

"Hoy, kuya!" Rinig kong pagsingit ng aking kapatid. "Aba kung makasigaw 'to ah."

Hanggang ngayon pala ay nasa bahay siya, akala ko umalis na, nandoon parin pala 'to. Buti naman at 'di pala nag-iisa doon ang inay, ang kaso eh si Pacifico naman ang kasama.

"Tinawag lang naman kita ah, sigaw naba 'yon?" Sarkastikong tanong nito, talaga naman oh, 'pag talaga nakauwi ako may kalalagyan ka.

"'Di kita kinakausap ah, 'wag mo akong simulan." Inis na sabi ko.

"Ferdinand," saway sa akin ni inay, bakit ako agad? 'Di naman ako 'yung sumasabat sa usapan ah.

"Pasensya na ho, si Pacifico kasi eh, ganda-ganda ng araw ko sisirain pa."

"Kuya, nakakita kaba ng maganda kaya maganda araw mo?"

"Oo," hindi lang maganda, sobra-sobra pa at mukhang dyosa.

"Babae nanaman ang usapan niyong dalawa ha, baka 'di ko nalalaman, kung ano-anong kalokohan ang pinaggagawa niyo." Totoo naman na marami na akong pinaggagawa pero 'di kalokohan 'no.

"'Wag ho ako ang pagsabihan niyo, inay. Si kuya nga ho nakita ko 'yan nung isang araw may kasamang babae, tawa pa nga nang tawa eh," kaibigan ko lang 'yon!

Ano naman ang masama sa pagtawa? wala namang masama dun ah, may nakakatawa naman kasi talaga.

"'Yang kuya mo, hayaan mo na dahil tumatanda na 'yan," pabirong sagot ni inay.

"'Nay naman, bata ko pa kaya, binibaby mo pa nga ako minsan eh."

Narinig ko na tawa nang tawa si Pacifico, kating-kati akong umuwi sa bahay, buti nandito si Imelda, pasalamat ka.

"Nagtampo ka naman agad." Sagot sa akin ni inay, "osige na, paalam kana sa kuya mo." Dagdag nito.

"I love you, kuya!" Napalunok ako bigla nang sabihin niya 'yon, ganito naman ang sinasabi niya sa akin noon, nung mga bata pa kami pero parang nag-iiba ang dating sa akin nito. "I love you too." Sagot ko.

"Ferdinand, kumain ka sa oras ha, 'wag puro trabaho."

"Opo, inay." Ibinaba ko na ang telepono at napailing-iling at saka ngumiti.

Napatingin ako sa labas at doon ay nakita sina Imelda at Ninoy. Wala na akong kahit na anong naramdaman pa at napangiti sakanilang dalawa.

Mas mahalaga na ang ngayon kaysa nakaraan. Lumipas na ang nakaraan pero ang ngayon ay 'yung nasa kasalukuyan at patuloy na nararanasan.

"'Wag mong sabihin na nagseselos ka nanaman riyan," tinapik ni Jose ang balikat ko. Napatawa ako nang mahina at nilingon ito. "Normal lang sa lahat ng tao ang magselos 'pag may kasamang iba ang mahal nila. Pero 'di naman 'yon magtatagal."

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now