C&B #4

1.4K 69 44
                                    

MULTO?
⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
A/N: Listen to "Isang Tanong Isang Sagot" by Donna Cruz while reading this part for better experience.

Sa sala naman us, mamarkahan ni Papa Macoy at Mama Meldy lahat ng parte ng bahay na to para may remembrance bago ako manakit, pa-house tour sa bahay nila Mr.Romualdez~ Hahaha charot!

IMELDA ROMUALDEZ

"Nasaan nga pala sina Mr.Romualdez?"

Nilibot ko ang aking mga mata sa buong bahay at hindi nakita kahit na anino ng dalawa. Saan naman sila nagpunta? Minsan talaga may sariling mundo silang dalawa.

"Alas dos na pala, malapit na magsimula ang pagpupulong." Dagdag ni Ferdinand.

Bakit ba naman kasi salamin 'to nang salamin? Pagpupulong paba ang kanyang pupuntahan o isang patimpalak? Baka naman kaya may pinopormahan doon kaya abot ang pagpapa-gwapo, kung makahawi ng buhok wagas, kanina pa. Sana pala tinuloy kong ibuhos sakanya 'yung isang palangganang tubig na may bula kanina.

"Oh, edi aalis kana?" Sarkastikong pagtatanong ko dito.

"Parang ganon na nga. Pakisabi nalang kina Mr. at Mrs. Romualdez, salamat. At sa'yo, maraming salamat."

Ni hindi ako tinapunan ng tingin nito at patuloy na hinawi ang buhok, talagang sasabunutan ko na 'to eh!

"Bakit ba hawi ka nang hawi riyan ng buhok mo?"

"Para maayos lang."

"Kanina pa nga maayos, ako 'tong nahihilo kakahawi mo eh!" Reklamo ko.

Sinulyapan ako nito saglit at ngumiti sa harap ng salamin habang inaayos ang kasuotan "Dapat presentable kapag humaharap sakanila." sige, hawi pa.

Ang sabihin mo may pinopormahan kalang doon, 'wag ka sana pansinin, tse! Kahit na makailang hawi kapa ng buhok mo, saakin parin ang bagsak mo!

"Tsaka, gusto mo ba na ang kaharap mo sa pagpupulong ay marumi? Diba hindi, kaya dapat na laging magmukhang malinis at maayos." Habol pa nito.

"Tama naman," umupo ako sa sofa, dahil ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatayo at nalibang pa sa kakahawi niya ng buhok.

Sawakas! Umalis ito sa harap ng salamin at naupo, hindi nga lang sa tabi ko. Bakit ba nagkakaganito ako, 'di naman ako ganito sa ibang mga lalaki. Ewan ko ba, bigla nalang akong nagbago kapag siya.

"Akala ko aalis kana?", tanong ko.

"Bakit, ayaw mo na ba ako dito?"

"Hindi naman, sabi mo kasi malapit na magsimula ang pagpupulong, 'wag mo sabihin nakalimutan mo?"

Tumayo ito mula sa sofa na kinauupuan at tumabi sa akin. "Mas gusto kitang kasama kaysa sila eh," bulong nito. Naitulak ko ito nang mahina dahil may halong kiliti ang pagbulong nito.

Umusog ako nang kaunti dahil malapit na malapit kami sa isa't-isa.

"Tumigil ka nga. Bibilugin mo nanaman ang ulo ko na parang buwan." Reklamo ko.

"Buwan naman kitang talaga ah, liwanag sa dilim at gabay ng aking damdamin."

"Wala na akong masabi sa galing mong magsalita, tunog totoo." Biro ko.

"Eh alam mo kung ano ang tunog peke?", tanong nito at mahina akong tinunggo.

"Aba't may tunog peke kapang nalalaman riyan, sige nga, ano?"

"'Yung pagsalungat mo sa mga sinasabi ko. Bakit hindi ka nalang umamin? Ako ang nahihirapan sa'yo."

Umakyat ang lahat kilabot sa katawan ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, para bang minumulto na ako ng sarili kong kasinungalingan sa aking nararamdaman. Bakit sa pananalita niya ay parang alam at nakikita niya ang nararamdaman ko para sakanya, ganon ba talaga siya kagaling at nababasa niya ang nasa isip ko at nakikita ang damdamin ko?

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedWhere stories live. Discover now