C&B #7

1.2K 67 48
                                    

SIYA PARIN BA?

A/N: Makakayanan niyo 'to, promise. Parang kagat nga lang ng crocodile. Charot, level 1 palang us, keri na keri!

Listen to Shake It Baby by Manilyn Reynes while reading for better experience! Thank you for suggesting this song ಥ◡ಥ

IMELDA ROMUALDEZ

Hay ambot, tingnan mo nga naman oh, gusto na sana kitang kalimutan tapos ngayon magpapakita ka nanaman, nanadya kaba?

"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Biro nito. "Ah, hindi naman, nabigla lang ako sa'yo."  Nakangiting sagot ko.

"Bakit nasa labas kapa? Gabi na ah." Eh ikaw? bakit nasa labas kapa? Tsaka, sino nga pala ang kasama nito? "Papahangin lang," parang nagkakaroon ako ng mabilis na pagbalik sa nakaraan, "Sino kasama mo?" Tanong niya. "Kasama ko? Ah, sina Daniel," sasabihin ko ba na 'yung matalik niyang kaibigan ang bagong kasama ko? Ay hindi, 'wag.

"Ibig sabihin ko, 'yung bagong kasama mo. May bago kang kaibigan?" Ano ba naman 'yan, Ninoy, 'wag mo na usisain at malapit na akong mautal sa'yo.

Umiiling-iling ako sakanya na may halong pag-aalinlangan, kataksilan ba 'tong matatawag?

"Gusto mo maglakad-lakad kasama ko?" Tumango ako bilang pag-sang-ayon sa alok niya. Ayoko naman tumanggi 'no, tsaka si Ferdinand naman talaga ang aayain ko pero marami pa yata siyang ginagawa, hindi naman siguro masama na si Ninoy muna ang samahan ko. "Alam mo? akala ko hindi kayo tutuloy dito," panimula niya habang naglalakad-lakad kami. "Bakit naman? every holy week naman ay nandito kami," komportable naman ako kasama siya dahil hindi na siya bago sa akin, siya pa nga ang kasama ko noon kapag maglalakad-lakad.

"Nga pala, naitago mo pa 'yung sa'yo?" Itinuro niya ang suot nitong kwintas. "Oo naman, hindi ko na nga lang naisusuot."

Marami kaming gamit na magkakatulad, tulad nalang ng kwintas na sinasabi niya, ako ang nagbigay sakanya non, hanggang ngayon pala suot niya, "Maganda ka kaya kapag suot mo 'yon." Bigla itong huminto sa paglalakad, "Pero kahit na hindi mo 'yon suot, maganda ka parin." Dagdag nito. Walang duda, magkaibigan nga sila ni Ferdinand. "Ayan din ang sinabi mo noon eh, akala mo nakalimutan ko na?" Biro ko dito. "Sinubukan ko lang naman kung natatandaan mo pa," nakangiting sabi nito kaya maging ako ay napangiti nalang din.

"Ay, sino nga pala kasama mo?" Tanong ko, "Mga kaibigan ko," kumabog ang aking dibdib nang sabihin niya 'yon.

"Eh, si Ferdinand? 'Di niyo ba siya kasama?" Biglang tanong ko. Para akong boang, tinatanong ko pa kunwari kahit na alam ko naman na sa amin nakasama si Ferdinand.

"Si Ferdy? Marami siyang ginagawa eh, kaya tumanggi siya na sumama." Anong maraming ginagawa? Nandito nga siya at kasama ko ಥ﹏ಥ  "Ganon ba? Eh 'yung ano, 'yung kapatid ng kaibigan mo?" Oh, dami kong tanong diba? "'Di mo ba kasama?" dagdag ko pa. "Hindi siya pinayagan ng magulang niya eh." Bakas sa mukha nito ang panghihinayang.

Hindi na siya laging nakangiti tulad ng dati, noon kapag magkikita kami ay 'di nawawala ang ngiti niya. Siguro nga ay nagkaroon siya ng kaunting pagbabago pero siya parin ito. "Baka hinahanap kana sainyo," malayo-layo narin ang narating namin kaya napagpasiyahan na bumalik na at dahil gabi na, inihatid ako nito sa bahay. "Ferdy?" Nilingon ko ito.

Malayo palang ay tanaw na tanaw mo na si Ferdinand nga 'yon, dahil sa tindig nito at pati narin ang ayos ng buhok. Bakit ba parang ang lahat ay umaayon sa tadhana? Sa tadhana na magkita kayong dalawa at dito pa talaga, sa sitwasyon na ganito. 

Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend LovedKde žijí příběhy. Začni objevovat