CHAPTER 22

1K 29 0
                                    

— CHAPTER 22 —

» RENZO'S POV «

“Pasensya na hindi ako nakapunta kahapon hehe.” hinging pa umanhin nito sa akin.

“It’s okay.”

Araw ng sabado ngayon at ngayon ko siya tuturuan sa mga subject na nahihirapan siya.

Mag-aalas diyes na ng umaga nang magsimula kaming dalawa.

“Buti ka pa kahit palaging nag s-skip sa klase ay madami kang alam, grabe napaka blessing mo talaga, samantalang ako kahit anong intindi ko sa pag-aaral ay wala talaga ako maintindihan huhuhu.” aniya habang nakanguso pa.

Napatawa naman ako sa reaksyon ng mukha niya.

“Noon kasing nag stop ako sa pag-aaral ay nag hired si Mommy ng mag t-tutor sa akin kaya alam ko na yung ibang itinuturo sa school hahaha.” Sagot ko naman.

“Kung pwede lang mag donate ng utak sa’yo na agad ako manghihingi huhuhu.”

“ATEEEEE AMBEEEERRR!”

Habang nag-uusap kami ay patakbong lumapit naman sa kinaroroonan namin si Rico at yumakap sa kanya.

“Hello Rico, na miss mo ba si Ate? Hahaha.” tanong ni Amber sa kapatid ko.

“Opo Ate, sobrang na miss ko kayo.” sagot naman ni Rico.

“Talaga? Hahaha!”

“Opo. Ate Amber laro po tayo ulit?”

“Rico hindi muna pwede ang laro dahil magtuturuan pa kami ni Ate Amber mo.” Sabat ko naman sa usapan nila.

“Kuya naman e, ngayon ko na nga lang si Ate nakita ayaw mo pa kami payagan maglaro. Hmmpf!” naka busangot na saad naman ni Rico sa akin.

“Papayagan lang kita makipaglaro sa kanya, kapag tapos na kaming dalawa.” ani ko pa.

“Talaga Kuya?”

“Oo, kaya doon ka muna sa kwarto mo maglaro.” Utos ko dito.

“Sige po, basta ate laro tayo mamaya ah.” Pangungulit pa nito.

“Oo pangako ni Ate sa’yo yan hahaha.” natatawang sagot naman ni Amber sa bata.

“Yeheeeey!”

Pagkaalis ni Rico ay ipinagpatuloy na ulit namin dalawa ang pagtuturuan.

» AMBER'S POV «

Hapon na kami natapos ni Renzo kaya paniguradong hinahanap na ako ni Colton ngayon, dahil ang paalam ko ay bibili lamang ako sa tindahan pero hindi na ako nakabalik hehehe.

“Gaano ba kahaba ang pila sa tindahan at ngayon ka lang umuwi?”

Papasok pa lamang ako ng bahay nang marinig ko agad ang boses niya.

“U-Uhmmm kasi nakipag kwentuhan pa ako dun sa tindera eh hehehe.” palusot ko naman.

“Tsk! Ge, pumasok kana.”

Hmmm kahit kailan talaga napaka suplado ng lalaking ito.

Paakyat pa lang sana ako ng kwarto ko ng biglang tawagin niya ako ulit.

“Teka sandali lang Engot.”

“Bakit?” tanong ko.

“May sasabihin pala ako.” aniya naman.

“Ano yun?”

Bumalik naman ako sa sala at lumapit sa kanya.

“U-Uhmmm.. napag kasunduan kasi namin nila Calvin na ikaw na lang ang kunin vocalist sa banda.” hindi makatingin sambit niya.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon