Hater 13: Unfortunately, he is ALWAYS right.

5K 150 11
                                    

"In layman's term, may fear of darkness ako. At hindi lang yon simpleng uri ng takot. Para sakin, pwede ko yon ikamatay." sagot ko sa kanya.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Napakunot noo sya at malalim na napabuntong hininga habang may mga hindi ko mainterpret na tingin sa akin.

Ibinaling ko ang ulo ko sa kaliwa habang nakatingin sa kanya.

“O, bakit ganyan ka makatingin? Para kang nakakita ng multo ah. Ganun ba yun kaweirdo? Tsk.” cross arms kong tanong sa kanya.

“Hindi. Hindi ko lang…hindi ko lang inexpect na may ganung klase ka pala ng phobia” Seryoso nyang sagot ng may pag aalangan pa.

“Psh. Alam mo bang may iba pang phobia. May mga taong takot maligo o takot sa tao o sa araw o kahit sa mga tunog. Kumpara sa phobia ko, wala lang yun.” Paroll eyes kong sagot sa kanya.  “Kaya pwede ba, wag mo ko tingnan na para kang naaawa sakin.”

Mabagal ang pagtango nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Para bang may iniisip syang kung ano pero hindi ko alam kung ano.

“So, pano tayo matutulog? Okay ka na ba sa flashlight.” Pag iiba nya ng topic kasabay ng pagtaas nya ng flashlight na hawak nya.

Kinuha ko ang flashlight mula sa kamay nya. Kinover ko ang kamay ko sa gilid ng lens ng flashlight saka yon in-on para makita kung gaano ba kalakas ang liwanag na ginagawa nito.

Mukhang luma pa ata tong binigay sa kanya. Parang naghihingalong flashlight na to.

Umiling ako. “Kahit konting liwanag lang sana okay lang. Basta continuos din. Pero baka mamaya mawalan to ng battery sa loob ng kwarto ko. Hindi to pwede.” Sagot ko sa kanya.

“Hm..” saglit syang nag isip habang unconsciously na medyo nakapout ang orangey nyang lips dahil siguro sa sauce na kinain namin kanina. Sa mukha ka tumingin Jessica. Sa mukha. Wag kang magpadala sa pacute na yan. “May idea ako.” medyo nagulat pa ako ng bigla syang tumingin sa akin pabalik.

“H-ha? O sige ano yon?” gulat ko pang tanong.

Napangiti sya. Teka, mukhang hindi ko magugustuhan tong ideyang to ah.

*

“A-ang ibig mong sabihin. Dito, as in dito ako matutulog?” nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Inilabas nya ang comforter, unan at kumot ko mula sa unit papunta dito sa fire exit saka nya yun nilatag dito.

“Oo. Di ba sabi mo bawal ka sa dilim. Dito lang naman may ilaw eh. O gusto mo ba sa hallway?” nakangisi nyang tanong.

Napabuntong hininga ako. “Eh pano kung may dumaan dito? Hindi pa naman na nagana yung elevator. Anong gagawin mo?” pag kekwestyun ko sa ideya nya.

“Edi padadaanin nalang dun sa kabilang fire exit. Dalawa naman yun ah. Edi sa kabila sila dumaan. Di ba?” nakangisi nya paring sagot habang pataas taas ang dalawa nyang kilay.

“Wala ka na bang ideya bukod dito? Ayan lang kaya yung trash shoot.” Itinuro ko ang trash shoot na 6 to 7 steps lang ng stairs ang layo.

Nilingon nya ang trash shoot. “Sus, ang layo layo nyan. Tsaka may naaamoy ka bang mabaho? Wala naman ah.” mabilis nyang sagot. “Kung gusto mo nga kasi, dun nalang sa hallway, o..” ibinaling nya ang ulo nya sa kanan. “Gusto mo bang sa sahig ng lobby? Maliwanag din dun.”

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now