Hater 10: All of a sudden, we are trapped.

5.3K 152 14
                                    

“Oh ayan, okay ka na ba sa ganyang kulay?” tanong nya ng paltan nya ng darker blue and sky blue na kulay ng flyers na ginawa namin. Buti nalang marunong gumamit ng photoshop ang lalaking to.

Tiningnan ko ang nagawa na naming design. Simple lang pero pwede na rin. “Sige okay na yan. Appealing na siguro yan.” Sagot ko. Napasulyap ako sa wall clock ko. “7pm na pala. Umuwi ka na.” sabi ko kay Asher.

Napasulyap din sya sa wall clock ko. “Oo nga. Gabi na pala.” Sagot nya. Kinuha ko na ang silver vaio laptop ko at sinara yon.

“O, marunong ka naman na sigurong umuwi sa inyo di ba. Baka naman magpahatid ka pa.” sabi ko sa kanya. Aba’t mabuti ng sigurado. Baka mamaya mamatay yan sa kalsada ako pa ang masisi.

Natawa sya. “Syempre naman.” Sagot nya. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng unit ko para makalabas, isang lagabog agad ang sumalubong sa amin.

“Ano yon?” kunot noong tanong ni Asher. Napakunot noo na rin ako ng isang malakas na tunog ng kidlat ang sumunod sa lagabog.

Napatingin ako sa kanya. “Umuulan ba?” tanong ko. Nag iba rin ang expression ng mukha nya.  Halatang gulat din sya.

Agad agad kaming sumakay ng elevator ni Asher para makababa ng groundfloor. Sa pagbukas ng elevator, sumalubong agad sa amin ang malakas na hampas ng hangin mula sa malalawak na entrance door ng reception desk. Patuloy din ang paglalampaso ng janitor sa marmol na sahig. Ganundin ang mga taong galing sa labas, lahat sila ay nagpapagpag ng mga damit nila dahil sa malakas na ulan sa labas.Para bang umuugong angbuong building sa lakas ng ulan, kulog at kidlat sa labas.

Lumapit ako sa isang babaeng guwardiya na nasa reception desk. Kasabay ko sa likod si Asher.

“Ate Guard, may bagyoba?” tanong ko sa kanya.

“Meron po Ma’am. Bagyong Chivas po. Suspended na nga po ang klase sa lahat ng antas dito sa atin sa susunod na mga araw.” Sagot naman nya habang inaayos ang mga konti nalang ay liliparin ng mga papel sa harap nya.

“Shit.” Agad kong naibulong sa sagot nya sa akin.Mabilis akong humarap kay Asher. “Umuwi ka na ngayon bago pa ka pa mastranded.” Sabi ko sa kanya.

“Ay Ma’am.” Singit nung guard, napalingon naman ulit kami sa kanya. “Advise po namin na wag na po kayong bumyahe. Signal no. 2 na po kasi tayo. Maya maya po ang sabi sa balita, mag sisignal no. 3 na daw po tayo. Baha na rin po banda dito sa north. Sa south daw ho traffic na. Maststranded lang ho kayo.” Sagot nya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya. “Ganun ba. Sige Salamat.” Nanlulumo kong sagot sa kanya.

Humarap ako kay Asher. Pareho kaming may hindi maintindihang expression sa mukha.

“O pano na?” tanong nya sa akin.

Muli akong napabuntong hininga at napa roll eyes sa kanya. “Shit naman.” Bulong kong muli. “Umakyat nga muna tayo sa unit ko.” sagot ko sa kanya. Napapailing naman syang sumunod din sa akin na para ding hindi makapaniwala sa sitwasyon namin.

Mahaba na ang naging pila para makasakay ng elevator, naging mabagal at siksikan tuloy ang byahe namin paaakyat sa unit ko.

“Pano yan, wala akong choice kundi dito muna sa unit mo.” Pananalita nya habang tinatanggal naming pareho ang mga sapatos namin.

“Wala naman tayong magagawa jan.” sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

“Bakit ba hindi natin narinig na malakas na pala ang bagyo sa labas.” Tanong nya habang pumupunta sa tapat ng glass kong bintana. Nasa likod pa yon ng makapal na gray kong kurtina kaya kailangan pa nyang hawiin ang kurtina para makita ang bintana at ang veranda.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon