Hater 6: Boys are a kind of virus

6.8K 171 7
                                    

Mikaela Repelio on the side >>>

**

“Ha! In your dreams.” Paroll eyes kong sagot sa kanya.

Lalong lumaki ang mga ngiti nya sa akin. “Eto, eto, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit virus ang tingin mo sa aming mga lalaki. Para kaming sakit na gusto mo ng gamot ah. Parang ayaw na ayaw mo ang existence namin.” Tanong nya. Sa mga ngiti nya, parang enjoy na enjoy sya sa pagtatanong sa akin. Parang ako na ang iniinterview nya ah. Pero okay lang, tutal, interesting naman ang topic nya. At tingnan ko nga kung maiinsulto ko ang isang to.

“Alam mo kasi..” panimula ko. “Hindi lang basta gamot ang kailangan ng mga babae para macure yung mga sakit nila sa inyo. Ang mas kailangan nila, preventive cure, para bang vitamins. Isang drug na pwedeng inumin ng mga babae para hindi sila tablan ng mga pang gagayuma nyo. At tsaka totoo naman, virus kayo kasi, pare pareho lang kayong mga lalaki. Isang klase ng sakit na nakakahawa.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. “Kapag loko loko ang mga kabarkada nyo, magiging loko loko na rin kayo kasi para sa inyo trend yon.” Dagdag ko pa kasama ang sarcastic na ngiti.

“Hm, pero masyado mo namang ginegeneral ang mga lalaki. Hindi naman lahat ng mga lalaki manloloko. May mga tagos hanggang sarili nilang pagkatao kung magmahal. At tsaka, kayo rin kaya nanggagayuma.” Sagot nya ng may maliliwanag na ngiti. Parang mas nakakainis yung mga ekspresyon at reaksyon nya na hindi man lang naiinsulto. Katribo ata to ni Aden at Charles eh. Immune.

“Paano mo naman nasasabing hindi pare pareho ang mga lalaki. Ikaw ba, ilang beses ka na bang nagka girlfriend? Nainlove? taas kilay kong sagot sa kanya.

Marahan syang napailing at napangiti. “Countless.” Mapaglaro nyang sagot.

Nagulat ako sa sagot nya. “Ibig mong sabihin…madami na?” nagtataka kong tanong.

“Oo.” Tumango sya. “Hindi ako popular sa college na to pero medyo kilala naman ako sa College of Engineering. Marami na kasi akong naging girlfriend dun.” Proud nyang sagot sa akin.

Tang ina lang. Ang galing lang pala nitong magsalita pero babaero din pala.

“Ha! O edi napaka general nyo ngang mga lalaki. Tingnan mo nga, pati ikaw, babaero” komento at sagot ko sa kanya.

Bigla syang tumawa ng malakas. “Hahaha! Babaero? Ginagamit mo pa pala ang term na yon. Mostly, playboy na ang tawag ah.”

“Pareho lang yon. Inenglish mo lang.” mapaningkit mata kong sagot sa kanya. Tumawa lang sya ng tumawa.

“Pero with all honesty, falling inlove is something amazing. Iba parin talaga ang may love life kesa wala.” Para bang pag aadvice ang tono ng pananalita nya.

“Yeah right. Advice from the biggest player ganun ba? You fall in love countless times. Pano mo naman nasasabi na amazing yun. It’s not even magical because you feel the same feeling for all of them.” sagot ko sa kanya in making my point.

“No. It was never the same.” Nakangiti nya ring sagot sa akin. “Hm, so, mag oorientation ba tayo o pag uusapan nalang ang anything about love.” Mapanukso nyang tanong.

“Hehe.” Sarcastic na kunyaring tawa ko sa kanya. “Orientation.” Sagot ko sa kanya.

*

Sa dinami rami ng mga lalaking nang eskandalo sa amin, hindi ko inexpect na ang lalaking yon ang pinaka makakaapekto sa organisasyon namin. Leche talaga sya. Pag nakita ko ulit yon, sisiguraduhin kong ipahiya sya ulit ng mas matindi.

Ilang minuto palang ang nakakalipas pinatawag ako at si Aden sa office ni Dean, dahil nga sa naging eskandalo kanina.

“Goodafternoon.” Tipid na ngiting bati ni Dean Doughn. Motherly like ang itsura nya dahil sa mga ngiti nya pero terror din daw sabi nila.

“Goodmorning po.” Sabay naming bati ni Aden.

“Jessica..” humarap sa sa akin na para bang diretso na agad sa gusto nyang sabihin ang agad na naming pag uusapan. Wala ng pag aatubili pa.

“Yes Dean.”

“Another commotion happened. Tell me, kailangan na bang tanggalin ang radio broadcasting club ninyo.” Tanong nya na more on a statement.

Aaminin ko, I was taken aback sa statement nya. Hindi ko yun inexpect. Most of the time kasi, sesermunan nya lang kami ni Aden ng konti tapos mag jojoke na. Tapos yun, okay na. Ewan ko lang kung anong meron sa kanya ngayon. Baka bad mood.

“I…don’t think kailangan naman yun Dean.” Medyo nag aalangan ko pang sagot sa kanya.

“Then what do you think should we do? I can’t keep this from happening Jessica. Pinag aaway mo ang lahat ng mga babae at lalaki dito sa university natin.” Sagot nya sa akin.

I was speechless sa sinabi ni Dean. Syempre, hindi naman kasi sya ordinaryong estudyante lang na pwede kong pagsabihan ng kung ano ano.

“Uhm, with all due respect Dean.” Singit na pananalita ni Aden. “I think, it is also not necessary na tanggalin po ninyo ang club namin. Anyway, I promise to handle it well.” Nakangiting pananalita ni Aden kay Dean.

Sumandal si Dean sa office chair nya na parang nag iisip at binabasa pa ang nasa utak ni Aden at ang sinabi nya.

“Pero Aden, palagi nalang ganito. As I said, I cannot let this happen again. How can I assure na magkakaron ng pagbabago ang club ninyo?”  tanong nya sa amin.

Nagkatinginan kami ni Aden. Pareho kasi kaming walag isasagot kay Dean.

“I will minimize the negative comments nalang po Dean.” Pagsagot at udyok ko sa kanya.

“No. no.” nakakunot noo nyang sagot. “I want something more than that. Ganito nalang, present me something, a plan maybe kung paano nyo babaguhin ang offering ng club ninyo. Habang wala pa yun, the club is suspended.” Nanlaki ang mata naming pareho ni Aden sa sinabi nya.

“Pero Dean. Suspension is not necessary.” Mabilis kong sagot sa kanya.

“Why not? Plan lang naman ang hinihingi ko kung paano kayo mag tatake action sa sitwasyon nyo. habang wala pa yun. You are suspended. Period.” Seryoso at matigas nyang sagot.

Nagkatinginan kaming muli ni Aden. Pareho naman kasi kaming walang magagawa sa gusto ni Dean. Or else, tatanggalin ng tuluyan ng club. Mas ayaw naman naming mangyari yon.

“Yes Dean” sabay naming sagot ni Aden.

Shet. Anong klaseng plan naman ang gagawin namin nito.

**

Hello Awesome Readers!

Isang mabilis bilis na update para sa lahat dahil ayoko na kayong bitinin pa sa naging pag uusap ni Jess at Ash at sa nangyari sa radio club nila. Hala, anong plan naman kaya ang gagawin nila Jess? Abangan!

Thank you sa pagbabasa at pag add ng story sa readling list ninyo! Votes and Comments are highly appreciated guys!

Please VOTE kung nagustuhan mo ang chapter na ito.

Please COMMENT for any thoughts about the story.

Love and Peace.x.

MsRedMonster

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon