KABANATA 43

33K 1K 44
                                    

Jasper's P.O.V.

Sa pagpapakamatay nga. Sa pagpapakamatay ko nga dadalhin ang gagarampot kong hukbo kung hindi ko pag-iisipang mabuti ang susunod kong mga hakbang. Ayon sa kinatawan ng Tahamaling, mahigit pitong-libo raw ang bumaliktad sa aming mga kakampi. Limang-libo ang nalipol, habang anim na libo naman ang mga dinakip ng aming mga kalaban, upang maging bihag at alipin. Kung malalaman ko lang sana kung saan ikinulong ni Lucio ang mga nadakip, kahit paano, madadagdagan ang aming kakaunting kakampi.

Halos sumabog na ang ulo ko sa kakaisip. Pero wala talaga akong mapiga sa utak ko. Wala pang limang-daan ang mga kasama ko ngayon, at sa wala pang limang-daan na 'yun, mahigit isang daan pa ang sugatan. Kung susugod kami ngayon, siguradong patay kaming lahat. Kung maninik-tik naman kami, sigurado mahuhuli rin kami sa dami nilang nagbabantay. Mukhang tinalikuran na ako ng mga lambana, gayun din ang mga nadismayang mga diwata. Wala na akong ibang alam na matatakbuhan, bagama't ayokong ipakita sa aking natitirang mga kasamahan na pinanghihinaan na ako ng loob.

"May suggestion sana ako, kung ok lang sa 'yo." Nag-aalinlangang sinabi sa akin ni Paolo sa harapan ni Daddy.

Tiningnan ko lang ito. Isa rin kasi talaga sa mga kalaban ko ang sarili kong ego, na hindi ko naman malaman kung bakit hindi ko makuhang ibaba. Naturalesa ko na yata talaga ang maging hambog. Kahambugan na—sa totoo lang, s'ya namang parating nagpapahamak sa akin.

"Ano ang suhestiyon mo, hijo?" Si Daddy na ang nagtanong sa kanya.

Sumulyap muna ito sa akin na tila nag-aalinlangan pa ring magsalita, "Bakit hindi ka na lang pumili ng kahit lima hanggang sampung pinakamahuhusay sa mga natitira, para sumalingit sa kuta nila. Sampu na palulusutin mo para magpanggap na kakampi nila, na s'ya ring uutusan mong hanapin ang lugar kung nasasaan ang mga bihag."

Napatingin ako kay Daddy. Napangiti naman ito sa akin.

Anak ng pating! Bakit s'ya pa ang dapat makaisip no'n? Argh! Heto na naman ako sa kahambugan ko. Bakit ba kasi hindi ko matanggap na hindi p'wedng mapasaakin ang lahat ng magagandang katangian? Ano ba naman kasi ako? Oo, ako! Pinagagalitan ko ang sarili ko!

"Magaling ang ideya mo, hijo." Nakangiting pagpuri ni Daddy kay Paolo, habang tinatatapik-tapik n'ya ang balikat nito. "Kung hindi kita kilala na tagapamahala ng ilang negosyo ng Lolo at Daddy mo, iisipin ko na baka pulis ka o sundalo. Aba, sa pakikipaglaban mo kanina, para bang sanay na sanay ka sa pakikipagbakbakan."

Really, Dad? Kailangan ba talagang isagad mo pa ang pamumuri mo sa kanya? What the hell? Mas magaling naman ako sa kanya ah.

"Ahm." Kakamot-kamot si Paolo. "Hindi po talaga ako ang namamahala ng mga negosyo nila, si kuya Patrick po?"

"Ha? Pero akala ko—"

"Tumutulong-tulong lang po ako sa mga libro minsan."

"Gano'n ba? So ano pala ang pinagkakaablahan mo?"

Si Helena. Si Helena ang pinagkakaabalahan n'yan.

"M-may trabaho po ako."

"Ano naman ang trabaho mo?"

"Ahente po."

Gamuntik na akong mapatawa sa narinig ko. Ahente? Ahente ng ano? By the way, just so you know. This is guy, is Paolo Garcia Montero. Isa sa mga anak na Tito Arthur—na kabarkada ni Daddy, na isa naman sa lehitimong apo ng multi bilyunaryong si Don Rodrigo Montero. Bilyunaryo ang tadong ito eh, tapos ahente ang trabaho n'ya? Pero ahente nga ba ng ano ang ma-epal na 'to?

Ahente ng gamot?

(Laugh trip!)

O baka naman Ahente ng lupa.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon