Hater 2: What is love?

9.3K 240 22
                                    

Charles Sarmiento  on the side >>

**

What is Love?

By: Asher Calleja

Napakunot noo ako sa mga sumunod sa title na yon. Wala. As in wala ng kahit na isa pang salita ang sumunod sa title. Blanko ang papel.

Napabuntong hininga ako at napaisip. So, ano naman ang gustong sabihin ng lalaking to? Hindi ko mapigilang maitaas ang mga kilay ko. Hindi kaya nagkamali sya ng pinasang papel sa amin at blanko ang naibigay nya? 5 page na blankong papel pa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag saka dinial ang number ni Bernadette.

Calling Bernadette…

“Hello?” napakunot noo ako sa boses ng lalaking sumagot sa cellphone ni Bernadette.

“Nasan si Bernadette?” naka kunot noo kong tanong sa kanya.

“Ah, nasa CR lang. Bakit ba Jess?” tanong nya sa akin na halatang tumawa pa muna. Leche.

Charles Sarmiento. Ang isa sa mga lalaking dahilan kung bakit hindi ko pwedeng igeneralize na virus ang lahat ng lalaki sa buong mundo. Isa syang living proof. Isang lalaking…sige, fine, hindi ko alam kung saang planeta ba nanggaling. Sya ang boyfriend ni Bernadette. 7 years na sila. Since 1st year high school hanggang ngayong 4th year college, sila parin. Engineering ang course nya habang Human Resource Management naman si Bernadette. Pilit kong hinuhuli kong loko loko ba ang lalaking yan pero wala parin. Masyadong birhen. Kaya taga Jupiter ang tawag ko jan. Taga ibang planeta dahil masyadong kakaiba.

Pero umaasa parin ako. Umaasa parin akong maghihiwalay sila at tuluyan ng magiging virus si Charles. One day.

“Sabihin mo nalang na tawagan nya ako agad pag nandyan na sya.” mabilis kong sagot sa kanya. Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng marinig ko pa ang malakas na boses ni Charles sa kabilang linya. “Ano?” inis kong tanong sa kanya. Isipin ko palang na kumakausap ako ng isang virus, pumipitik na ang utak ko.

“Eto na si Bernadette.” Nasesense ko pa ang nakangiti nyang mukha ng isagot nya yon.Napabuntong hininga lang ako sa lalaking to.

“Hello Jess?” tanong na ni Bernadette sa kabilang linya.

“Hoy babae. Lagyan mo nga ng matinding password yang cellphone mo para hindi nakakalikot nyang boyfriend mong taga Jupiter.” Mabilis kong sabi sa kanya.

“Haha. Ano ka ba. Hindi ka pa ba sanay?” natatawa nyang panunukso sa akin. “Yan ba ang tinawag mo?” nasesense kong pangiti nyang tanong.

“Malamang hindi.” Paroll eyes kong sagot sa kanya kahit hindi nya ako nakikita. “Tumawag ako about kay Asher Calleja. Sabi mo—“

“Ano? Tatawagan ko na ba for hiring?” para bang naeexcite pa nyang tanong bago pa man ako matapos magsalita.

“Anong tatawagan eh wala naman syang pinasa.” Inis kong sagot sa kanya. Hay nako. Ano ba naman yan. Pati ba naman sya pumapalya na ngayon.

“Jess..” natatawa nyang pananalita. “Tinawagan ko na sya to confirm kung nagkamali ba sya ng pagkakapasa ng entry nya dahil blanko. And sabi nya, yun daw talaga ang entry nya. Walang kulang.” Nasesense ko na ang malalaki nyang ngisi na abot hanggang tenga. Ano bang meron.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon