Gusto mo lang namang matuto kung paano maging matatag sa buhay.Kaya nagpakalayu-layo ka. Akala mo hindi ka na masasaktan at sanay ka nang mag- isa. Pero hindi pa pala, ayan si Rinoa Aries Mortell Isang dalaga.. Lumayo sa mga nakaraan niya upang makalimot sa nangyari sa kanya.. Pagkatapos ng mga panahon nayun ay nagsimula siyang mamuhay mag- isa. Naniniwala siyang lahat ng tao sa buhay niya ay iiwan at iiwan din siya. Dahil sa mga karanasan niya sa buhay ay gusto niyang maging matatag. Pero paano kung maka-kilala siya ng katapat niya? Isang taong walang pakielam sa nararamdaman ng iba? Isang taong gusto niyang patayin, sakalin, at ipatiris sa higante? Isang taong parehas ang pagkakaintindi ng buhay sa kanya? Siya si Psyche Eroll Ynahndez.. Suplado, masungit at loko-loko.. Ganyan siya eh.. Dalawang taong nagkabangga, iisa ang paniniwala at iisa ang gustong matutunan.. Mabago kaya nila ang paningin sa buhay ng isa't isa?