CHAPTER 16 CLUB DAY 3

74 12 1
                                    

(Psyche's photo here and watch Princess' simple dance performance for her club..)

Rinoa's POV

Lumapit sakin si Princess.. Nakipag apir naman ako sa kanya..

"Galing mo aaah.." Me

"Huh? Hindi naman! Eh ikaw Rinoa unnie? Musta ang tennis??" Tanong niya habang pinupunasan yung pawis niya

"Ok lang naman.. Panalo ako ng first game.. Mamaya pa yung second game ko.." Me

"Wooow!! Ang galing naman.. Sige good luck para sa second game!!" Siya

Tumango at ngumiti lang ako..

"Kung wala ka pa munang gagawin.. Nood ka nalang muna Rinoa unnie! Doon ka sa harap para naman nakikita kita.." Sabi niya sabay turo sa inupuan ko kanina..

"Doon ako naupo kanina.. Di mo ko nakita??"

"Nakita.. Kumaway pa nga ako diba??" Siya

"Oo nga.. Ang gulo mong kausap!! Sige nood muna ako saglit.."

"Yeeeees!!! Ok dancers!! Show what you have gooot!!!" Sigaw niya dun sa mga nago auditions..

Tumugtog naman na yung music.. At parang impromptu pala toh.. Dahil mga adlibs lang yung steps nila..

Tennis Court

Ang kalaban ko sa 2nd game ay 3rd year..

Nagulat ako nang may tumabi sakin..

"Uyy congrats nga pala sa first game mo kanina.. Nanalo ka.."

"Uuy Xander..First game palang naman yun.." Me

"Ano ka ba.. Ang qualifications sa tennis para masali ka is 3 wins kahit may talo kang isa.. Pero kung 5 wins and 0 lose ka, may possibility na ikaw ang ipanlaban sa ASF.. At magiging kabilang ka sa tinatawag na The Tennis Masters dito sa campus" He explained

"ASF?? What's that?? Nakakain ba yun??" Me

Natawa naman siya sa naging ekspresyon ko kaya ginulo niya yung buhok ko..

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumigil at hinawakan pa niya yung kamay na pinanggulo niya sa buhok ko..

Bakit kaya?? May tinik kaya yung buhok ko??

"First time kong makahawak ng blonde na buhok.." Siya

Tinawanan ko naman siya.. Parang ang OA lang kung magiging ganyan ang reaksyon niya diba?

'For the next game.. Rinoa Aries Mortell from 4th year section D Hope versus Azure Clance Gerrera from 3rd year section A Faith.. Please proceed to the court..'

Sabi sa speaker.. Hindi nanaman na ako kinakabahan.. Hindi sa pagmamayabang aaah

"Go Azure!!! Kaya mo yaaan!! Lampasuhin mo si ateng blonde ang buhoook!! Go Azure!!!"

Napatingin ako sa mga nagchi-cheer.. Yeah squad goals.. Wala yung mga kasamahan ko eh..

Well sabihan niyo na akong bad.. But I still dont consider them as my friend.. Dahil natatakot talaga ako na iwanan ako ulit..

"Woooooooooooooh!! Go RINOAAAAAA!! ITAYO MO ANG BANDERA NG MGA BLOOOOOONDE!!!! WOOOOOOOH!!!"

Napatingin ako kay Xander.. Siya yung sumigaw.. Tsss parang baliw..

Yung mga nag cheer naman kay Azure ay napatingin din samin..

Binalingan ko si Xander..

"Para kang baliw"

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now