CHAPTER 68

33 7 3
                                    

Psyche's POV

-_____-

Tagabitbit lang ata ako dito eeh..

Siya wala manlang dala kahit isa.. Tsss.. Napaka gentleman ko talaga eeh..

"Nasan ba tayo huh?"

Tanong ko.. Hindi naman niya ako nilingon..

Grabeng babae toh.. Bastusin..

Ni hindi manlang ako pinansin?!

"Basta... Ay Sister Reanne.."

Sagot niya sa akin sabay bati sa madre na hindi matanda na sumalubong sa amin..

Tinignan pa muna niya ako bago binalik ang tingin kay Rinoa..

"Rinoa.. May bagong ipinasok dito.. Last week pa.."

Sabi niya kay Rinoa.. Nagulat naman si Rinoa at tumingin sa akin..

"Nasa Home for the aged tayo.. Kaya naman wag kang magugulat kung puro matatanda ang makakausap mo Ok?"

Sabi naman niya sa akin..

Tinanguan ko lang siya.. Maya maya ay pumasok na kami sa pinaka bahay..

Tama nga siya ang dami daming matatanda! Duuuuh, home for the aged nga kasi Psyche eeh.. Ano ba?

Bakit ba ako dinala ni aswang dito? Lalo niya lang pinapaalala si lola sa akin eeh..

"Psssst.."

Napatingin ako kay Rinoa na siyang tumawag.. Tinaasan ko naman siya ng kilay..

"Tulungan mo akong ibigay ito sa mga lola hah?"

Tumango nalang ako.. Wala na kasi akong magagawa eeeh..

Pumunta kami sa isang pinto.. Sa labas palang ay maaamoy mo na na puro matatanda ang nasa loob kasi umaalingasaw ang amoy ng Katinko, Efficacent Oil, at ng White flower..

-_____-

Binuksan na niya yung pinto..

Siguro mga 19 na lola lang yung nandito.. Tig-isa isa sila ng kama..

Maluwag naman kaya pwedeng pwede naman..

Maraming sumalubong kay Rinoa..

"Rinoa anak! Buti napadalaw ka! Kamusta ka?!"

Tanong ng isang lola sa kanya..

"Makakalimutan ko po ba kayo? Siyempre hindi po! Okay lang naman po ako.. Eeeh kayo po? Kamusta ang katawan?" Masayang tanong naman ni Rinoa

" Ok lang din.. Nagpapa zumba na dito.."

Tumingin ng bahagya sa akin yung matanda at ibinalik ang tingin kay Rinoa..

Feeling ko tuloy alien ako.. Sheeeeesh!

"Boyfriend mo hija? Aba ang gwapo gwapo naman.. Pero diba sabi ko sayo ipapakilala ko yung apo ko?"

"L-lola Perlita ano po ba yang sinasabi niyo? Wala lang po yan.. Driver ko lang po.. Siya po si Psyche.."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.. Inirapan niya lang naman ako..

Takte ito lang pala ang role ko dito eeh.. Walang hiya.. Pero okay lang atlis gwapo ako..

"May pasalubong nga po pala kami.."

Sabi ni Rinoa sabay kuha sakin nung isang plastik at isa isang ibinigay yung mga pinamili namin..

Tinignan ko siya habang nagpapamigay..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now