CHAPTER 42

59 10 1
                                    

(Psyche's picture here)

Chapter 42

Rinoa's POV

Nasa 7 eleven ako ngayon kasama si Snowy..

Chichibog.. Iinom ng Slurpee, bibili ng chocolates.. Kakain ng chichirya..

Mga kabaligtaran ng nabanggit sa itaas. -______-

Hahanapin ko po yung house ni Chupacabra.. Yey ang saya.. Sarcasm po iyon..

Nagmasid masid ako.. Saan kaya dito yung malaking bahay na color gray.. Ugggh! Hirap namang hanapin ooh! Peste..

Nagtanong tanong ako sa mga taong palakad lakad sa daan.. Aba malamang! Alangan namang sa ere sila naglalakad diba?

Sorry po at sadyang bad mood lang talaga ako..

"Manong.. Alam niyo po ba kung saan toh matatagpuan? Buang po kasi yung lalaking nagbigay sakin niyan eeh.. Hinahayaan po akong pumunta sa bahay niyang mag isa, ni hindi manlang ako ihatid.. Samantalang ang hirap hirap ng gagawin ko doon buwis buhay.."

Sabi ko doon sa matandang lalaki na umiinom ng kape.. Tinignan niya ako nang nakakunot ang kanyang noo..

Hala anong ginawa ko dito? Nagtatanong lang naman ako eeh!

"Hija! Ang bata bata mo pa para gumanon! Mag aral ka muna.. Tsaka mo nalang yan ibigay pag ikinasal ka na!"

Pangaral niya sakin.. Siya naman ang tinignan ko ng masama..

Tsss.. Ano ako? Prostitute?! Hey no way! Kung GRO man ako ayokong maging customer yung Chupacabrang yun noh!!

"Manong ano ba yang iniisip niyo?! Hindi ganun yoon! Tutor lang po ako nung lalaki sa Math.. Wala nang iba! Ang dumi dumi naman po ng utak niyo" Me

Umiling iling siya at hinawakan yung sentido niya.

"Pasensya ka na hija hah? Nadala lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Alam mo kasi yung apo ko, kasing tanda mo.. Kumerengkeng agad. Ayun edi nabuntis nung boyfriend niyang mukhang ewan.. Anong nangyari ngayon? Edi iniwan siya.. Ayaw siyang panindigan.."

Pagpapaliwanag niya habang umiinom ng kape..

Tumatango tango nalang ako.. Hayaan mo na, matanda na siya kaya makwento sa buhay.. Siguro most talkative siya nung grade 6 sila..

"Kaya ikaw hija, wag kang lalandi muna hah? Boyfriend pwede, pero yung kama? No, no, no.." Siya habang may gestures pa..

"Opo, opo.. Tatandaan ko po iyan.. Makakaasa po kayo sakin.. Don't worry.. So saan na po ba itong bahay na ito?" Me

"Diyan ako nagtatrabaho.. Gardener ako diyan.. Sabay na tayo pumunta doon.."

Tumango naman ako.. Nagsimula na siyang maglakad, kaya naman sumunod na ako sa kanya, ayokong maiwan dito..

Maya maya pa ay nakapunta kami sa isang malaking bahay na malayo sa ibang bahay.. Kumbaga sa sobrang laki niya parang wala na siyang kapitbahay.. Gets niyo??

Ganto pala yung bahay ni Psyche.. Ang laki.. Kaya pala ganun ang ugali non! Panigurado spoiled siya..

" Sige hija.. Maiwan na kita hah.. Kita nalang tayo mamaya.."

Ngumiti at tumango ako, nakitahol naman si Snowy na ikinatawa naming dalawa..

Pumasok na ako sa front door.. Ang laki aaah.. Sila na! Well.. Malaki din naman yung amin eeh..

Naglibot libot ako.. Ang dami nilang pictures.. Nakita ko yung picture ni Psyche kasama si Xander.. Kaya naman naalala ko si Xander..

"Nandito ka na pala.."

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now