CHAPTER 78

32 9 4
                                    

Rinoa's POV

"Ano Rinoa? Ok ka na ba? Buti hindi ka na-bored dito.." Xander

"Hah? Paano ako hindi mabo-bored eh ang dami mong kinwento sa akin.. Loko ka.. Sabi ko lumangoy ka na dun pero nanatili ka parin dito.." Me

"Hahahah.. Dapat lang noh.. Mukhang tayo nalang ang hinihintay doon.. Buhat na kita.. Siguradong masakit yan pag naglalakad ka pa diba?" Xander

Tumango naman ako..

Lumapit siya sa akin at binuhat ako..

Tinulungan akong magpalit ni Serrina ng damit kanina kaya naman maayos na yung suot ko pero white parin.. Adik..

Pagkalabas namin sa bahay ay nakita na agad namin yung bonfire malapit sa dagat.. At mukhang kami na nga lang ang hinihintay..

"Ayan na pala sila.." Rinig kong sabi ni Quinn..

Ibinaba ako ni Xander ng dahan-dahan..

Napapimit naman ako.. Hinihintay ko lang na mag-adjust ang sugat ko para naman masanay na sa kaka-upo..

"Bakit kailangan pang binubuhat?" Psyche

"May sugat kasi siya! Napa-upo sa bubog kanina.." Inis na sabi ni Ada

"Ano?! Sa may bubog?" Parang gulat na tanong ni Psyche..

Sus, ano toh lokohan?! Hindi niya alam na may bubog yung babagsakan ko nung tinulak niya ako?

"Oo! Let's start na nga!"

Nagpipindot si Kurth ng kung ano sa phone niya.. Yun ata yung app na Truth or dare..

Ilalagay doon yung lahat ng players at ang app na ang bahalang mamili ng taya at ng mag-uutos o mag-tatanong..

Nakita ko sa peripheral vision ko na naka-tingin sa akin si Psyche.. Hindi ko naman na iyon pinansin at kay Kurth na lang ako tumingin..

"Ok! Si Xander ang taya, at ako ang master!" Kurth

"Waaah, ang daya naman!!" Reklamo ni Xander

"Truth or dare!" Kurth

"Truth nalang!" Xander

"Ok truth daw.. Hmmmmm, Xander.. May nagugustuhan ka na ba ulit ngayon?"

Napa-lunok naman ako.. Halos lahat ay inaabangan yung sagot ni Xander pwera ako noh..

Na gulat ako nang tumingin sa akin si Xander sabay sagot ng oo..

"Aba! Ang bilis namang mag-move on nito! Ok Xander ikaw naman!!"

Ibinigay ni Kurth yung phone niya kay Xander at pinindot niya ang Start..

"Hmmm.. Ang taya ay si Narsha at ang master ay si... Ooooh.. Si Quinn" Xander

Napatingin naman kami kay Quinn na ngayon ay sobra ang ngiti..

Patay, pati ako kinakabahan sa kanya aaah..

"Truth or dare?" Nakakakilabot na tanong ni Quinn kay Narsha na ngayon ay halata ang kaba..

"T-truth..." Sagot niya kay Quinn..

"Akala mo ligtas ka? Hahah! Hindeh noh! Magaling ako noh!! Hahahah!!" Quinn

"Just get to your question.." Psyche

Ngumiti naman sa kanya si Quinn sabay balik ang mata kay Sophia..

"Truth hah? Yung totoo... Ano ba talaga yung nangyari kanina?" Quinn..

Lahat kami ay napatingin kay Narsha.. Nakita ko pa ngang nag-ngisian sila Ada eeh..

Mga loko talaga..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now