CHAPTER 82

44 8 3
                                    

Instagram: @kvevllyv

After po ng SMBG 2, magkakaroon po ako ng new story entitled "Anonymous"

Sa parkHoosul_OFFICIAL ko po siya ipa-publish.. TY

-----------

Chapter 82

Rinoa's POV

Thursday..

Nasa canteen ako pero hindi sila Serrina ang kasama ko.. Kasama kasi nila yung mga partner nila na which is kasama ko rin ang magaling kong partner..

"Ok saan ba muna tayo magsu-survey?" Tanong ko sa naka-yukong si Psyche

"Kahit saan" He plainly answered

"Psyche naman importante toh.. Mag seryoso ka naman" Me

"Kahit saan nga ang kulit" Masungit na sabi niya

Haaaiiist.. Buti nalang sanay ako sa pagiging masungit niya.

"Oh sige kahit saan.. Ikaw magda-drive hah.. Kahit saan kamo diba?" Me

Tumango naman siya.. Haaist napaka walang kwentang kausap nito hah! Dapat ako ang gumaganyan eeh! Masama parin ang loob ko eh..

"Bakit ba kasi ganyan ka hah? Parang wala kang tulog?!" Me

"May PE class kami after nito.. Kaya kailangan may energy ako pag harap sa teacher namin.. Ayokong aksayangin ang oras ko para diyan" Sabi niya sabay hikab

Inirapan ko naman siya.. Parang hindi kami magsasama sa gym mamaya aaah.. PE class din kasi namin..

"Haaaist ang sungit mo talaga noh? Sige na nga.. Mamaya nalang, nasasayang lang naman din ang laway ko sayo eh.." Sabi ko sabay tayo at iniwan ko na siya..

Tumingin ako sa relo ko.. Shocks! 25 minutes nalang pala before PE class namin!

Pumunta akong locker room.. Bawat section kasi may sariling locker room..

Ako palang ang tao.. So binuksan ko yung padlock ng locker ko.. Ano kasi siya yung may mga numbers na lock, kumbaga parang lock pin.

Nang makuha ko na yung PE uniform ko ay nagulat ako nang pumasok sa loob nitong room ang PE instructor namin..

"Rinoa, mamaya ka na magpalit ng damit.. Go find your classmates first.. Tipunin mo sila hah" Sabi niya

"Ay.. Opo sige po.." Sabi ko nalang sabay balik ng uniform ko sa loob ng locker at mahina itong itinulak.. Baka kasi mamaya sabihin niya na nagdadabog ako..

Hindi niya kasi nakita na magpapalit na ako ng damit kasi abala sa pag-aayos ng stop watch niya.. Tss

Lumabas ako at tinipon ang mga batang lansangan.. Una kong pinuntahan ay ang library kung saan nandun sila Serrina.. Then isa isa ko silang pinapunta sa locker room..

Ayos na ang lahat pero isa nalang talaga ang kulang.. Si Narsha! Haaaay mga daga talaga kung saan saan nagpupu-punta..

"Haaay Peste! Kanina pa ako paikot-ikot dito hindi ko manlang makita si Narsha!" Nasabi ko..

Tinignan ko yung relo ko at napasimangot ako nang makita ko na Im 15 minutes late na..

Tsss.. Hayaan ko na nga yung babaeng yun..

Mabilis na tumakbo ako papuntang locker room..

Pinindot ko ng mabilis yung mga tamang numero sa padlock ko pero ayaw nitong bumukas..

Pinindot ko ulit yun ng dahan dahan pero ayaw paring bumukas..

Shocks! Inulit ko iyon ng maraming beses but still ayaw talaga niya!

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon