CHAPTER 73

48 8 7
                                    

Rinoa's POV

Nasa canteen ako ngayon kasama nila Serrina.. Ang tahimik nga namin eh..

Hindi ako nag-sasalita.. Parang ako lang ang hinihintay nilang dumaldal eh..

Patuloy parin ako sa pagkain ng Dewberry nang biglang mag-salita si Ada..

"Guys, sa Sunday na yung birthday ni Psyche aaah.. Lahat dapat tayo pupunta.." Sabi niya

Tumango nalang ako..

"Ano bang gusto nung pinsan mo nayun?" Tanong naman sa kanya ni Quinn..

"Ewan ko.. Lahat naman atang gamit meron nayun sa bahay nila.." Ada

"Eh anong ireregalo ko dun?" Serrina

"Saan ba siya takot?" Tanong ko..

Gulat naman na sila nang tinanong ko yun.. Eh simula kasi nung Monday hanggang Wednesday ay hindi ako nagsasalita.. Kaya malamang sa alamang magugulat talaga sila..

"Aaah.. Takot siya sa ipis, daga, ahas, at palaka.." Sagot naman sa akin ni Ada

Tumango-tango naman ako..

"Gaganti ka ba Rinoa unnie?" Tanong ni Princess..

"Hindi.." Plain kong sagot..

"Sige una na ako.." Sabi ko nang maubos ko yung Dewberry ko sabay tayo at labas ng canteen..

On my way sa room ay dumaan muna ako ng library.. May 5 computers kasi doon and may internet na..

Nang maka punta ako doon ay sakto, walang gumagamit.. Umupo ako sa pang-una at ini-open si Google..

May sinearch ako doon at napa-ngiti ako sa nakita ko.. Hoy! Hindi ito porn hah! Pangre-regalo ko toh kay Psyche..

Oo, regalo para kay Psyche.. Mag-move on na tayo sa nangyari nung Sunday, tatlong araw na ang nakalilipas! Kaya move on na kahit medyo nasasaktan parin..

Haaaiiissst..

I click several 'Add to cart' then click 'Buy'..

Hahahah! Hindi ko alam kung masusurpresa ba siya sa ireregalo ko sa kanya eeh..

"Rinoa.."

Napatingin ako sa tumawag.. Bigla ko siyang nasapok at agad kong pinatay ang AVR..

"S-sorry! Hindi ko sinasadya!"

Pagpapa-umanhin ko sakanya..

Si Psyche po kasi ang tumawag sa akin.. Pasensya na po.. Si Psyche.. Dahil sa pagma-madali at sa pagdudug-dug ng puso ko ay agad akong nag-panic..

"Aray! Bakit kailangan mong manapak?! Sakit aaah.." Reklamo naman niya..

"Huh? Eh s-sorry na kasi.. Na bigla lang ako.." Me

"Na bigla lang.. Ano ba kasi yang ginagawa mo?" Tanong niya

"W-wala naman.. Bakit? Eh ikaw ba bakit ang bait mo ngayon?!" Sabi ko naman.. Wala na akong maisip kasi na topic at baka umalis na siya agad.. Shocks!

"Wala rin naman.. You see, sa Sunday araw ko.. I would like to invite you--" Hindi ko siya pinatapos.. Kasi ang saya ko dahil siya mismo ang nag-aya!

"Me? Why me?!" Kunwaring reklamo ko..

"Why not you?" Siya

Shocks.. Kinikilabutan ako sa inaasta niya.. Bakit ba ganto siya ngayon?! Mali ba ang gising niya? Hindi kaya siya nakatulog kagabi? O kaya naman baka akala niya na nananaginip siya!

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now