CHAPTER 44

47 9 1
                                    

Rinoa's POV

Pagkadating namin sa mansyon ay agad akong bumaba..

Yeah as he said earlier.. Kami nga lang ang tao.

"Anong meron bakit ikaw lang ang tao? Nasan si Xander?" Me

"Nagdeclair si mommy na day off ang lahat ng staffs.. And si kuya nasa isang trip kasama yung mga kaibigan niya.." Sagot niya

Tumango tango naman ako..

Pumasok kami sa loob mansion. Hindi katulad kahapon, madilim na ito.. Sabay pa ng pagiging makulimlim..

Binuksan niya yung ilaw.. Naglibot libot naman uli ako.. Trip ko lang maging museum tong bahay nila.. Maraming paintings..

"Aw, aw, aw!"

Napatingin ako kay Snowy.. Lumapit siya sakin at hinaharot yung sapatos ko.

Natatawang binuhat ko siya at tumingin tingin ulit sa mga paintings.

Inaamoy amoy pa nga ako ni Snowy eeh.. Walang hiya din toh eeh.. Baka nasa isip niya amoy aso ako.. Eh siya yung aso..

"Hoy, lumilibot ka na naman.. Tara na.."

Napatingin kami ni Snowy sa pinto.. Si Psyche pala.. Nakabihis na ng pang bahay..

"Saan ba tayo ngayon?" Me

"Sa kwarto ko.."

"H-huh? K-kwarto mo?"

Tumango siya..

Bakit naman sa kwarto niya? Parang ang sagwa kasi eeh.. Kami lang dalawa dito tapos lalaki at babae pa.. Diba ang awkward?

"S-sige.."

Napipilitang sumunod ako sa kanya..
Wow! Grabe ang ganda pala ng kwarto niya. Lalaking lalaki ang dating..

Yung lalaking lalaki, I mean yung color.. Wala siyang calendar ng mga beer na kung saan may mga model na nakahubad.. Walang mga ganun dito..

It's just that, yung kulay at yung mga gamit niya ang ku-cool.. Ayos gaganahan akong magturo nitoh..

"Ok.. Shall we start?" Me

He nodded. Umupo siya sa study table niya at sumunod naman ako sa kanya.. Umupo naman ako sa chair ng study table.

Then inilabas ko yung Math book niya sa bag niya, dahil nakakahiya naman sa kanya kung siya pa ang kukuha.. Siya na nga yung tuturuan, uutusan ko pa diba??

Binuklat ko yun sa lesson nila.. Adding radicals pala sila.. Easy lang..

"Ok ganto kasi yan.  Kapag magkapareho ang index simply add.. Pero pag yung nasa loob ng radical sign yung magkapareho.. Ika copy mo lang yung number.."

Hindi naman siya umiimik pero nakikinig siya..

"So ganun.. Blah blah.. Churva churva.. Ganon ganon"

Kalagitnaan ng lesson namin ay biglang umulan.. Napaka lakas. Wala naman akong balita na may bagyo.

After few hours..

"Uy pano tayo makakauwi hah?"

Tanong ko kay Snowy habang nilalaro ko siya.

"Magpahatid kaya tayo kay Chupacabra?"

Tanong ko pa din sa inosenteng aso..

Teka, speaking of Chupacabra, Nasan na nga pala siya.. Matapos kasi naming magturuan ay nawala na siya eh. Lumabas.. Akala ko nga magluluto ng merienda eeh.. Pero assuming lang pala talaga ako..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon