CHAPTER 77

30 9 3
                                    


Rinoa's POV

Pagka-lagay ko ng gamit sa magiging kwarto ko ay agad akong lumabas at tumungo sa dagat...

Shocks! Parang naka-glue yung kamay nila kanina aaah.. Hindi mapag-hiwalay ang mga malalandi.. Tsss..

Tahimik na pinagmamasdan ko yung langit.. Nararamdaman ko din yung katamtamang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko..

Ito muna ang gusto kong maramdaman.. Katahimikan, ang sakit eeh..

Ang hirap kasing isipin na wala akong panlaban kay Sophia na minahal talaga ng sobra ni Psyche..

"Uy.. Lonely ka diyan?"

Napa-tingin ako kay Xander.. Nginitian ko lang siya..

Umupo siya sa tabi ko..

"Masakit ba?"

Napatingin naman ako sakanya..

"Huh? Anong masakit?" Pagkukunwari ko..

"Tsss.. I already know, mahal mo si Psyche.."

Napa-iwas nalang ako ng tingin sa sinabi niya..

"See? Mahal mo talaga siya... Ang swerte naman niya.."

"Huh?" Me

"Sana kasi ako nalang ang minahal mo eeh... Kung ako yun, aalagaan kita ng sobra. Promise.."

Tinignan ko naman siya ng nagta-taka..

"Mahal kita Rinoa.. Ang bakla mang sabihin pero na-love at first sight ata ako sayo preh.." Sabi niya sabay yuko..

"X-Xander?" Me

Saglit lang hah.. Bakit ako? Bakit ako ang nagustuhan niya? Ang daming babae diyan pero bakit ako?

Hindi ko ma-imagine may gusto sa akin si Xander?

"Ok lang naman Rinoa kahit hindi mo suklian.. Basta ipaparamdam ko nalang sayo.. Kasi alam kong hindi madaling kalimutan ang taong katulad ni Psyche.. Pero sana payagan mo akong iparamdam sayo.."

Seryosong sinabi niya sa akin..

Haya... Paano natoh? Shocks! Hindi ko alan kung anong gagawin ko..

"Please Rinoa?"

"S-sige..." Nasabi ko nalang, ano pa bang magagawa ko diba? Naging mabait naman siya sakin eeh..

"Hey guys! Oy Rinoa! Xander! Meryenda na!!!"

Napatingin kami ni Xander kay Flynn na siyang nag-tawag..

"OO SIGE!!"

Sigaw ni Xander sa kanya sabay tingin sa akin..

"Tara na daw.." Sabi niya sakin sabay tayo, tinulungan niya rin akong maka-bangon..

Ngumiti ako sa kanya..

Pumunta kami sa loob nila at kami nalang palang dalawa ang hinihintay..

"Sorry.." Nasabi ko..

"Pasensya.. Napasarap pang ang kwentuhan namin ni Rinoa.." Sabi naman ni Xander

"Next time pakibilisan lang hah.." Masungit na sabi ni Psyche sa amin..

"Opo, kuya.." Pabirong sabi ni Xander sabay urong ng dalawang upuan para sa aming dalawa..

Tinignan ko naman yung katabi niya, siyempre sino pa ba edi si Sophia!

Tsss.

"Sorry na po.." Sabi ko sabay upo sa tabing upuan ni Xander..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now