CHAPTER 47

50 10 4
                                    

Chapter 47

Rinoa's POV

Kasalukuyan ngayon akong nasa mansyon nila Psyche.. Katulad nga ng sinabi niya, wala akong takas

-____-

Wala siyang patawad.. Grabe napaka higpit niya!

Actually kanina pa talaga ako dito sa sa kwarto niya hinihintay ko lang siya..

Opo.. Ang walang hiya ay iniwan po ako dito.. Wow! Grabe idol ko na siya..

Bumukas bigla yung pinto kaya napa tingin agad ako..

Sus, si Psyche lang naman pala..

"Tara nga" Siya

"Saan? Ikaw ang tara at tuturuan na kita" Sabi ko naman sa kanya

"Haaay ang kulit aaah! Tara sabi eh"

Wala akong nagawa at tumayo then sumunod sa kanya..

"Ano bang gagawin natin hah?"

Tanong ko habang hinihimas himas si Snowy sa ulo..

Hindi siya sumagot.. Ok, dinedma ako ng Loko Loko..

Pumasok kami sa malaking pinto kung saan siya nagpi-piano.. Takang tinignan ko siya

"What are we doing here?"

Takang tanong ko, ano toh dito kami magre review? Anong trip niya?

"Umupo ka sa harap ng piano.."

Utos niya.. Kumunot naman ang noo ko.. Ano nanamang gagawin nitong lalaking toh?

Sumunod naman ako sa kanya, no choice ako nasa bahay niya ako..

"You want to learn how to play the piano right?"

Napa tingin ulit ako sa kanya. Ommo! Ommo! I am getting excited about this!!! Tuturuan niya ako?!

Tuloy tuloy na tumango ako..

"Ok.. Edi mag-aral ka diyan.."

Sabi niya sabay talikod.. Napa simangot naman ako.. Hinubad ko yung sapatos ko at ibinato sa kanya.. Paasa ang potek!

"Aray ano ba?! Ang sakit nun aaah!"

"Eh loko ka kasi eeeh!!! Akala ko pa naman tuturuan mo ako! Hindi pala!" Me

"Bakit may sinabi ba akong tuturuan kita? Kelan? Bakit hindi ko alam?"

Nagku kunwaring tanong niya.. Kainis talaga siya kahit kelan!!! Waaaah!!

Rinig ko namang tumawa siya.. Haya.. Haya.. Nababaliw na ata toh! Susko! Anong nakakatawa?! Natatawa siya dahil umasa ako??

"Wag kang high blood Ok? Kaya ka nga nandito para ikaw naman ang tuturuan ko eeh.. Pambawi lang sa pagtu turo mo ng Math.."

Agad ko siyang nilapitan at hinipo yung leeg niya, bahagya siyang umatras at sinalo yung kamay ko..

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya

"May lagnat ka ba? Preh kahapon ka pa ganyan! Nakakatakot ka na!"

Sabi ko sa kanya.. Inirapan naman niya ako. .. Taray ng lola mo aaah!

"Minsan lang ako maging mabait Ok?" Sabi pa niya

"Oh? Nagiging mabait ka pala? Ngayon ko lang nalaman!!"

"Gusto mo bang matutong mag piano o ayaw mo?"

Mariing tanong niya.. Agad naman akong bumalik doon sa upuan at nag behave.. Baka kasi mag bago yung isip niya . Kailangan magpaka-bait muna ako..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now