CHAPTER 14 Club day 1

93 10 1
                                    

(See Quinn's picture here!!)

Rinoa's POV

"Ika cut na yung classes!! Yipeee!" Serrina

"Anong oras daw ba ang start ng club day??" Tanong ko sa kanya..

"I think mga 10 am.. And end is 4:30 pm.." Sagot niya sakin..

Naka uniform na siya ng pang volleyball eh

"Diba dati ka ng member ng volleyball? Eh bakit kailangan mag audition ka ulit??" Tanong ko parin sa kanya..

"Hindi audition na as in matatanggap o mare reject.. Kasi katulad ko nakaraan akong player at MVP ng Volleyball.. Bale yung titignan nalang sakin is kung nag improve ba yung skills ko.. Pero for example new lang ako sa club ,dun ang talagang audition and try outs.."

Napatango naman ako with matching 'aaaaaaaaah'

So magta try out ako sa tennis.. Hmm.. Inayos ko yung hairband ko..

Hinihintay nalang namin sila Ada at Princess.. Ang alam ko kasi sinamahan ni Ada si Princess mag practice para sa dance piece niya..

Si Ada naman sa glee kasali... Tulad ni Serrina mga past members narin sila ng mga club nila..

"Hey guys! Naka post na yung oras ng mga club!!" Napatingin kami kina Ada..

"Nandito na pala kayoo!!" Serrina

"Yes.. At kung nakita niyo yung sayaw ni Princess ay nganganga kayo! Ang galing niyang sumayaw.." Ada

"Ay.. Si Ada unnie din kaya! Ang galing kumanta.."Princess

"Ay! Speaking of kanta.. Magalimg din kumanta si Rinoa.. Pinakanta siya ni Maam Vielle eh.. Diba nga adviser siya sa glee club? Edi ayun naghanap siya ng pwedeng kumanta.. Eh kaso parang hindi interesado si Rinoa.." Sabi ni Serrina habang nakatingin sakin..

"Sayang naman yun Rinoa.. Sana sumali ka para may kasama naman ako diba??" Sabi ni Ada

"Samahan niyo nalang akong tignan yung schedule ng try outs for tennis.." Sabi ko nalang.

Tumango naman sila at pumunta kami sa tapat ng bulletin board..

Start na ng registration.. Sa tennis court yung registration.. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta na ako ng tennis court.. pumunta narin naman na sila sa kaniya kaniyang club..

Nang nakapunta ako sa tennis court ay nakita kong ang daming nagreregister.. Hhmm.. Paano ako makakasingit nito??

Nagulat ako nang may lalaking lumapit sakin..

Si Xander pala.. Natatandaan niyo?? Yung tumulong saking kuhanin yung books ko sa college library?? Ayan remember niyo na??

"Uy Xander" bati ko sa kanya

"Rinoa.. Anong ginagawa mo dito?"

"Magta try out sana kaso ang daming tao.." Sabi ko sabay turo sa mga nakapila..

"Dont worry.. Mag register ka na dito oh.." Sabi niya sabay bigay sakin nung clipboard..

"Hah?? Bakit?" Taka kong tanong.. Mamaya mapagalitan siya dahil pinauna niya akong mag register.

"Isa ako sa mga naka assign sa tennis division.. Kaya ito na oh.. Mag register ka na.."

Kinuha ko naman yung clipboard at nagsulat

"Ipo post namin dito yung makakalaban mo.. Kaya balik ka dito after 30 minutes ok??" Sabi niya sakin habang inaabot yung binibigay kong clipboard

"Ok.. Thank you aah!!" Sigaw ko sa kanya habang pabalik siya sa registration table..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now