CHAPTER 7

107 12 1
                                    

(See Carlos' picture here....)

Chapter 7

Rinoa' s POV

Second day ng school... Nag discuss na agad yung iba.. Pero may mga time na nakipagkwentuhan lang yung ibang mga teachers samin..

Kesyo mahirap ang mga ipapamigay na quiz.. Kesyo mahaba ang test.. Haaaay nako. Nagulat ako ng may binulong sakin si Carlos or si Ryll..

"Ang boring noh?" Siya

"Oo nga eh..." sagot ko..

"Sa sobrang boring nakatulog na si Serrina.." sabi niya sakin sabay turo sa pinaka likuran..

Medyo natawa naman ako dahil tulog na tulog talaga si Serrina..

"Mamaya tutulo na laway niyan oh... pustahan tayo.." Carlos

"Sige.. 20 pesos?" Aya ko..

"Sige sige.. Sakin tutulo yung laway ng babaeng yan.."

Para siyang bata sa talagang pang kanto yung pagkakasabi niya eh.. Ang cute..

"Oh sige sige.."

Anong trip namin? Ewan ko! Para kaming baliw..

"Aaah.. Rinoa?"

Napatingin agad ako kay maam.

"A- ano po?"

Baka narinig niya kami ni Carlos.. Ang lakas naman ng pandinig nitong teacher natoh..

"Yung mga libro mo pala nasa library.. Naka balot ng blue na plastic.. Please paki kuha mo na.."

Aaah.. Yun lang pala.. Akala ko kung ano na... Tumango ako at lumabas.. Saan ba papuntang library??

Malayo nadin ang nalalakad ko ay di ko parin matunton yun library.. Nasaan na ba yung pesteng yun?

Sakto namang may teacher na makakasalubong ko. Lumapit ako sa kanya

"Aaah.. Maam saan po yung library?"

"Sa College building pa... May library naman dito kasi ginagawa palang. "

"Aaah.. Ganun po ba.. Saan naman po papunta sa collage department??"

"May makikita ka namang mga signs hija.. Sige una na ako.."

Ngumiti ako at nagpasalamat..

Naglakad lakad ako hanggang sa may mga pito na akong signs na nakitang 'Collage Department this way'

Kahit pala pagpunta ng library kailangan parin ng signs? Haaaay

Nakita ko na yung library.. Ang ganda sa labas palang yan aah.. Nung pumasok ako.. Napa nganga ako sa ganda at laki!!

May computers din.. At apat na wifi passwords ang naka paskil sa bawat dingding..

Medyo marami rami yung tao at ang tahimik.. Halatang collages na sila kasi todo aral ang mga toh...

Yung iba relationship goals.. Yung iba friend goals.. Malapit narin pala akong maging collage haaaiissst

Lumapit ako sa librarian na nasa counter.

"Aaah.. Miss.. Yung book po nung pang 4th year highschool? Yung hindi pa po nakukuha?"

Sabi ko sa babae.. Malamang miss ang tawag ko eh!

"Aaah.. Oo.. Nasa shelf no. 17.. Naka plastic na blue.."

"Aah sige salamat po.."

Sabi ko sabay alis sa harap niya. No. 17? The hell?! Bakit hindi nilagay nalang sa no. 1?

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now