CHAPTER 25

83 13 1
                                    

(Smile with Psyche!!!)

Rinoa's POV

Tumakbo ako palabas ng canteen at sinundan si Quinn..

Natanaw ko kung saan siya pumunta kanina.. Ang tanda ko, papunta sa likod yung daang tinunton niya..

Tumakbo ako ng tumakbo para makapunta ako sa likod ng school..

At nakita ko siya sa may sulok.. Naka-yuko.. Humahagulgol..

Quinn's POV

Bakit kailangan ganto pa ang mangyari sakin?!

Nakakahiya..

Nahihiya ako kina Rinoa.. Kasi naging maldita ako sa kanila, pero tinutulungan parin nila ako..

Naramdaman kong may tumabi sakin.. Nilingon ko ito..

Si Rinoa.. Yumuko ulit ako. Ayokong makita niya yung mukha ko..

"Quinn... We're here for you.. Hindi lang sila ang pwedeng maging kaibigan.. Nandito kami"

See? Paano niya pa nagagawang maging mabait sakin samantalang minalditahan ko rin siya noon?

Hindi ko siya inimikan.. Wala akong masabi.. Basta nahihiya ako.. Ayokong maging kaibigan nila..

Bakit? Kasi para sakin ang awkward.. Ang bait nila, maldita ako..

Baka kung maging kaibigan ko sila ay ako ang maging dahilan ng pag-aaway.. Tapos ng pagkawatak-watak..

"Quinn... Naranasan ko na din ang maiwanan.."

Nakinig naman ako sa kanya nang sinabi niya iyon..

Naiwan narin siya? Kelan? Saan? Sino?

Siguro sa dati niyang school..

"Ang hirap hindi masanay sa mga bagay na alam mong iiwan ka rin noh?" Siya..

"Yung tipong.. Nagtiwala ka para lang sa wala.. Ang saket noh? Yung nasayang lang ang lahat ng effort mo.."

Tahimik na nakikinig lang ako sa kanya..

Hindi ko alam na nakaranas na pala siya ng mga problemang katulad ng akin ngayon.

Lalo tuloy akong natakot na makipag-kaibigan sa kanila.. Dahil baka sisihin ko ang sarili ko pag nagka-away away kami..

"Yung tipong.. You want to move in a place where you dont know any people and start all over again like nothing happened in the past.."

Nasaktan siguro talaga siya sa nangyaring pag iwan sa kanya..

"But believe me Quinn.. May mga tao mang nawawala, meron namang dumadating na bago at mas higit pa sa mga nawala.."

Doon umikot ang utak ko.. Sa huling sinabi niya..

May mga bago akong tao na magiging kaibigan.. At baka masira ko yung friendship na meron sila..

Kung sila Trizha nga ang tingin sakin ay malas.. Malas sa kanila dahil simula daw ng dumating ako sa buhay nila nagulo daw toh..

Nawala sa Volleyball si Dora at si Trizha naman ay pinatalsik sa painting class..

Alam ko naman na ako ang malas sa lahat ng bagay eeeh!

Even my step-mom thinks that Im a misfortune...

Hindi ko parin siya sinagot..

"Quinn.. Gusto ko lang sabihin sayo na.. Pwede kang makipag-kaibigan samin.. Gusto ka namin Quinn.. Promise.. =)"

"No! You dont umderstand!"

At sawakas nakapag salita narin ako...

"Yes I do understand.." Mahinahon niyang sinabi..

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now