CHAPTER 59

40 10 1
                                    

Chapter 59

Rinoa's POV

Monday

Training ko na para sa ASF.. Sa Wednesday na kasi yun which means sa isang araw na..

Mag hapon nga kaming nag training ni Coach Fabian.. Ang tagal ko narin siyang hindi nakikita kaya naman na miss ko siya!

"Coach anong ginagawa niyo kapag wala tayong training?"

Tanong ko sa kanya, mag kasabay kasi kaming nagmi-merienda ngayon sa canteen.. Dewberry ang kinakain ko, sakanya naman ay lugaw na parang isinabaw ay paminta..

Mahilig sa paminta..

"Edi nagte-tennis ako kahit ako lang mag isa.. Minsan inaasikaso ko yung iba ko pang trabaho.."

Tumangu-tango ako..

Ang dami pala niyang ginagawa.. Sigurado akong nakakapagod yun..

"Eh ikaw kapag walang pasok o training anong ginagawa mo?" Tanong naman niya sa akin..

"Nag hihintay lang po ng gagawin.. Ako lang po kasi ang tao sa bahay.. Bumukod ako sa pamilya ko dahil mas malapit po yung tinutuluyan ko sa school"

"Aaah.. Ganon ba?"

Tumango ako.. Pinagpatuloy lang namin ang kain dahil gutom na gutom na ako..

Kanina ay nagkita kami nila Quinn.. Nagka-kwentuhan tapos nung nag bell nagsibalikan na sila sa mga rooms nila..

Kami naman ni Serrina deretso kami sa gym at nag warm up muna..

Siyempre, kung hindi kami magwa-warm up ay sasakit ang katawan namin..

Ganyan talaga, parang sa pag ibig.. Kung wala kang alam tungkol doon ay masasaktan ka talaga..

Pagkatapos ng warm up namin ay pumunta na siya sa coach niya then ako rin pumunta narin ako kay coach Fabian..

Isa lang naman ang pinagtatambayan ni coach Fabian eeh.. Yung court ng tennis..

Siyempre tennis coach siya eeh..

"Rinoa, hindi muna kita te-trainingin ng masyado at baka sumakit ang katawan mo at hindi ka maka laro sa Wednesday.. Magliwaliw ka muna.."

"Pooo? Yes! Sige po thank you po!"

Pagpapasalamat ko sa kanya.. Aba ang swerte ko ata talaga sa coach ko.. Bukod sa palagi akong nalilibre, pinagpapahinga pa ako! At napaka haba pa ng oras ko waah..

"Wag kang matuwa.. Hindi ka pwedeng lumabas ng school.. At mamaya susukatan ka para sa uniform mo Ok.."

"Uniform? Aabot pa po ba yun sa Wednesday?"

"Oo naman abot yun.."

Nagkibit balikat nalang ako at itinuloy ko ang pagkain ng Dewberry!

Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa volleyball court.. Nakita kong naka upo si Serrina sa bleachers..

Tumabi naman ako sa kanya at inakbayan siya..

"Musta training?"

Tanong ko sa kanya

"Ito Ok lang.. Excited na nga ako para sa Wednesday eeh.. Pahinga niyo?"

Sabi naman niya sa akin.. Ngumiti ako..

"Tapos na kaming mag-train kaya nga nandito ako eeh!"

Sumimangot naman siya na ipinagtaka ko..

"Bakit ganyan mukha mo hah?" Me

She's My Blonde Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now