Naiwanan ako sa isang lugar kung saan hindi ko alam kung paano maglalakbay pabalik, paabante, o paliko. Panginoon na lamang ang tanging pinaghahawakan ko habang paulit ulit akong natatalisod at natitinik sa takot na maabutan o mahuli ng kung ano. Ngunit ngayong bigla tayong nagkasalubong habang pareho tayong sugatan at parehong naiwanan, sabay ba nating magagawa ang mapa at lampara paalis dito. Sabay kong tatahakin ang bawat daan kasama ang bawat ikaw.