8

14 2 5
                                    

Nang nasa eskwelahan na kami, ang sarap sa pakiramdam maglakad ng madaming nakatingin sa akin.

I enjoyed the feeling of being watched. I enjoyed the spotlight they are giving me. Kahit ano pang opinyon nila, nararamdaman o naririnig ko pa lang ang bulungan, ang sarap na sa pakiramdam.

Lalo pa at hinahangin ang buhok ko ng bahagya, it is helping me to expose my face more.

Hanggang sa sinundot ni Rohz ang aking noo.

Panira ang bwisit.

"Ano ba?!"

He chuckled softly.

"Madadapa ka, saan saan ka natingin. Hindi ka sa daan nakatingin eh, nulsa classroom ng elem."

Inirapan ko na lamang siya habang nangingiti.

Nababaliw na siguro ako.

Ang sarap talaga sa pakiramdam pumasok na alam kong hindi ko na kailangan pang magalala paano ko matatapos ang proyekto dahil natapos ko na ito sa bahay. Nangampanya kami ni Rohz kahapon, seryosong seryoso siya noong una... maya-maya naman ay sabog na. Sayaw na naman ng sayaw. Mabuti iyong vid na pinost niya, naka custom. Masisira pa ang imahe niya bilang tahimik, matalino, seryoso, at kalmado palagi.

Now my life is sweet like cinnamon, like a fucking dream I'm living in...

Tumutugtog iyon sa cellphone ni Rohz, tiktok yata.

"Feel na feel ang bg music...GGSS era" pangaasar niya.

I crossed my arms.

"Why should I not be? Pinagpala ako sa ganda at talino, sino ako para maging humble?"

He mocked me. Inirapan ko na lang siya habang nangingiti.

Nakarating na kami sa classroom.

Gusto ko mamaya kapag nagkaroon ng surprise quiz, mas mataas na ako kay Rohz. Pero nakakainis lang na hindi na siya nag-re-review, ako itong si palong-palo mag-aral... na-pe-perfect niya.

Nag-sketch na lang ako. Hindi ko masukat ang saktong ratio ng jawline at ulo.

Hinablot niya ang lapis at sketchpad sa akin. Ini-demo ang tamang pagsusukat gamit ang mga bilog at linya. Miski mata, ilong, at bibig... na-drawing niya ng mas maganda kumpara sa akin. Kamuka ko pa ito. Nagawa niya sa mabilis na panahon.

Bakit si Makoy ang ipinanglalaban namin sa poster making noon, at hindi ikaw?

"Naiintindihan mo ba?"

Dahil sa pagka intimidate sa kaniya, madali ko lang itong naintindihan. Madali lang ako nakapag focus. Madali ko lang naitama ang pagkakamali ko.

At dahil sa pagfofocus sa kaniya, hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano gayong kaharap namin ang naging sanhi ng pagiyak ko kanina.

"I can draw that again better than you" ani ko, nangaasar.

Ang satisfying kase asarin ni Rohz na lalamang ako sa kaniya, gayong alam kong hindi iyon mangyayari.

"Edi oo na lang" aniya.

Minsan, sinasakyan ang pangaasar ko para lang patunayan niyang mali ako at tama siya.

Parang dati, sinabi niyang tinatamad na siyang mag-aral dahil sa CODM, bigla siyang valedictorian.

Nakalaban ko sa debate minsan, aniya parte ko daw ang naaral niya. Akala ko malaki na ang pag-asa ko.

Ginisa niya ako noon.

Parang hindi kaibigan eh...

May hindi ako maintindihan, imbis na kay Iara magtanong, nang makita kong nakikipag laro ng chess si Iara kay Dave ay kay Rohz na lang ako nagtanong.

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now